Posts

Ang buhay ni Arnel Pineda ng Journey

Image
Isa sya sa nabubuhay na ebidensya na tunay ang kasabihang ang buhay ay parang gulong lang, na maaaring nasa ilalim ka ngayon, nasa laylayan, naghihikahos sa buhay. Pero di mo pwedeng sabihin na anjan ka lang lage, kung magsisikap ka lang, gagamitin ng tama at pagyayamanin ang talento o kakayahang ibinigay ng Dyos sayo, gagawin ang lahat para sa pangarap mo. Siguradong maaabot mo rin ang ninanais mo balang araw. Tulad ng kabayan nating si Arnel Pineda na nagmula sa simpleng pamilya, pinaglaruan ng tadhana at naluklok sa kahirapan… naranasang mamuhay mag isa sa murang edad, natutong kumayod para may mailagay man lang sa sikmurang kumakalam.. Sino ang mag aakala, na ang bata na noon ay halos walang wala ay isa na sa pinakamayaman at pinakasuccessful na singer hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo... halika at ating balikan ang mala-fairytail na kwento ng buhay ni Arnel pineda..  Panoorin sa Youtube ang buong kuwento:  Ang buhay ni Arnel Pineda Panganay sa apat na magkakap...

Nasaan na nga ba si John Deacon ng Queen? Ito ang kanyang Istorya.

Image
  Kapag binanggit mo ang pangalan ng Bandang Queen, karugtong na nito sa isip natin ang Pangalang Freddie Mercury.. then, andyan si Roger Taylor at Brian May… Pero may ilang fans, na hindi kilala ang kanilang Bassist na si John Deacon. Siya lang naman ang nagsulat at lumikha ng mga kantang Another One Bite the Dust, I want to break free, Youre my best friend at katulong sa paglikha ng Under Pressure at marami pang iba… Nagulat ka ba idol?  Panoorin sa Youtube ang buong kuwento:  John Deacon and Queen Story Tagalog Bilang isang tipong mahiyain kase mga idol na isinama mo sa tulad nina freddie, roger at Brian na ramdam na ramdam mo ang presence sa mga konsyerto nila eh hindi na talaga sya mapapansin ng ibang tao. Mula nawala si Freddie Mercury, tumugtog pa ng tatlong beses si John Deacon sa banda then sumama sa pagrerecord ng kantang Noone But You (only the good die young) pero pagkatapos nun e tuluyan na itong nawala sa paningin ng mga fans.. Tuluyan na itong tumalikod sa ...

Ang ginawa ng Aerosmith para Maabot ang Kasikatan

Image
Isang banda na magtuturo saten at magpapatunay na may naghihintay lageng tagumpay sa mga taong hindi sumusuko sa anumang pagsubok o problemang ibato sayo ng buhay…  Panoorin sa Youtube ang Buong Kuwento:  Aerosmith Story Tagalog Kilalanin natin ang bandang Aerosmith, ang madalas ituring na Greatest American Rock Band of All Time.. Ang kanilang katatagan, achievements, musika at impluwensya ay hindi basta basta mapapantayan..  Mayroon pa bang hindi nakakaranig ng mga awitin nilang I dont want to miss a thing---- Crazy----- Angel--- Amazing---- At marami pang iba… Mga awiting hindi madaling kopyahin dahil sa kakaiba at taas ng boses ng kanilang bokalistang si Steven Tyler at sinabayan pa ng astig na gitaristang si Joe Perry na maituturing na isa sa Greatest Guitarists of All Time.  Ano nga ba ang kuwento ng bandang Aerosmith? Nasaan na sila ngayon? Tatalakayin nating lahat yan idol pero bago ang lahat, intro at shoutouts muna tayo. Maraming Salamat. Nagsimula ang kuwen...

Kaya pala laging bumabalik sa Pilipinas ang The ScriptThe Script

Image
Sa pagsikat ng Boyband na Take that noong early 90s sa UK, Isang music manager sa Ireland na si Louis Walsh ang nagbuo ng Irish version ng Take That kaya nagkaroon ng Boyzone noong 1993 at kalaunan ay nasa likod din ito ng pagbuo ng Westlife noong 1998.. na parehas napabilang sa mga pinakamalaking boyband sa buong mundo.. Pero hindi naman lahat ng binuong boyband ni Walsh ay nagtagumpay, dahil ang Mytown na binuo nito noong 1996 ay masasabi nating sablay pero ganun pa man, pagkalipas ng ilang taon, dalawang myembro nito na mga gifted na songwritters at producers ang nagpatuloy at nagdagdag ng drummer kaya dun ay ipinanganak ang bandang The Script, ang bandang nakilala sa mga awiting The man who cant be moved---- Breakeven--- Nothing--- Hall of Fame--- Superheroes--- At marami pang iba, halika at mas kilalanin natin ang bandang The Script, Paano sila nabuo at bakit sinasabi ng marami na napakaunderated ng banda na ito? Bakit walang pakealam o ayaw ng bandang ito na manominate sila sa ka...

Ilang Katotohanan sa Slipknot na Maaaring hindi mo pa Alam

Image
Ang Slipknot ay patuloy na umaani ng kasikatan mula 1995 hanggang sa kasalukuyan, siguro, isa ka sa mga fans ng bandang ito. Pero napakaraming pangyayari at katotohanan tungkol sa Slipknot ang maaaring hindi mo pa alam. Panoorin sa youtube:  Mga bagay na Maaaring Hindi mo Alam sa Slipknot Tulad ng kuwento tungkol sa maskara at numero ng bawat myembro ng mga ito. Mga trahedyang pinagdaanan at mga bagay na tungkol sa banda na mahirap paniwalaan. Halika at talakatin natin ang ilan sa mga ito pagkatapos ng intro. Maraming Salamat mga Idol. Maskara at Kasuotan. Nag umpisa ang pagsusuot nila ng maskara noong 1997, mula dumating sa rehearsal si Shawn Crahan ng nakasuot ang kanyang clown na maskara. Ito rin ang nagdala ng idea na magsuot ng Jumpsuits na Mula nun, ay ito na ang naging trademark ng Slipknot. Ayun sa mga ito, sa tulong ng maskara ay nailalabas umano nila ang totoong sarili nila mula kaloob-looban ng kanilang pagkatao. Nagagawa umano nilang ilabas lahat ng saloobin at mas paab...

Sobrang Sayang ng Savage Garden na kumanta ng I Knew I Loved You

Image
Ang pagsikat ng napakaraming mga boybands at girlgroups noong 90s ang nagpapatunay kung gaaanong kalakas ang Pop music sa panahong yun. Sa kabila ng kasagsagan din ng kasikatan noon ng mga nag-aastigang mga rock bands e bigla ding nagsulputan at nakakuha ng sobrang commercial success ang mga bandang pop ang tugtugan tulad ng mga Hansons, Moffatts, at ang tatalakayin natin ngayon na pop duo na Savage Garden. Tandang tanda ko nun na feeling poging pogi ka na kapag kinakanta sa videoke ang awitin ng mga ito na I knew I Loved you---- Ang makaputol hiningang Truly Madly Deeply--- At ibang magaganda nilang kanta tulad ng Crash and Burn--- The animal song--- At marami pang iba… Isa na sa pinakasuccessful na banda noong mid 90s pero nag iwan din ng sobrang disappointment sa mga fans nito ng mabuwag sila agad matapos lang makapagrelease ng dalawang studio album na nakabenta agad ng 23 million copies sa buong mundo… Ano nga ba ang nangyari sa Savage Garden? Bakit bigla silang naghiwalay? Atin di...

Totoong dahilan kung bakit nawala ang One Direction

Image
Nung araw, para makapagbuo ka ng isang Boyband, kailangan mong maghanap ng mga lalakeng magaling kumanta, magaling sumayaw, at syempre dapat pogi... pwede na ding katamtaman kung wala na talagang pagpilian.. ---  seryoso ako, dahil lahat ng naging successful na boybands ay gumamit ng ganitong method tulad ng Menudo, New Kids on the Block, Backstreet Boys, Nsync, at napakarami pang iba lalo na noong 90s na naglabasan ang ganitong Boybands… kahit nga ngayon diba, nakabalik ang Boybands dahil sa Kpop na kahit ayaw ng marami sa kanila e kung tititigan nyong mabuti, sumusunod pa rin sa ganitong method sa pagpili ng myembro.. Magaling kumanta, sumayaw, at…. Pogi naman. Nasobrahan lang sa make up.. biro lang..  Sa lahat ng sumikat na Boyband, ang One Direction ang itinuturing na hindi dumaan sa ganitong paraan.. Nabuo sila sa isang reality Show na X factor matapos silang mabigo individually, wala silang flashy dance moves, at sarili nilang sulat ang marami sa mga awitin nila.  M...

Noong makuha ni Michael Jackson ang mga kanta ng The Beatles

Image
  Ang pagkakaroon ng isang matalik at mabuting kaibigan ay maituturing nating biyaya mula sa Maykapal. Marami ang nakakasama nila ang kanilang kaibigan sa hirap at ginhawa. May kaibigang selfless, may kaibigang ibibigay talaga kahit buhay para sa kaibigan nila. Pero madalas, napakaraming pagkakaibigan din ang nawasak dahil sa kahit napakaliit na bagay, pwede ring dahil sa babae o lalake, bisyo, pulitika at madalas ay sa pera. Tulad ng tatalakayin natin ngayon sa video nating ito. Sa mundo ng musika, isa na sa pinakamalaking pagkakaibigan ay sa pagitan ng dalawang legends na sina Michael Jackson at Paul Mccartney. Si michael jackson ang the worlds most electrifying pop star na tinaguriang King of Pop, Samantalang si Mccartney naman ay bahagi ng pinakasuccessful at pinaka influencial na bandang The Beatles. Nag-umpisa ito noong 1970s noong tawagan ni Michael Jackson si Paul Mccartney para tanungin kung gusto nitong gumawa ng maghihits na kanta. Mula nun ay naging madalas na ang commu...

Hindi lang edad ang dahilan ng pagkawala ng boses ni Jon Bon Jovi

Image
Sa kabuuang labinglimang album ng bandang Bon Jovi sa loob ng halos apat na dekada ng kanilang karera, ay umani ang mga ito ng sobrang success. Bumenta sila ng 130 Million Records Worldwide na naglagay sa kanila sa hanay ng mga mga Best Selling Rock Bands of All Time at maging isa sa Greatest Rock Bands of All Time.. Naiukit ni Jon Bon Jovi ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng rock music bilang isang bituin. Tinagurian ito ng Billboard na The Most Powerful and Influential People in the Music Business at napasama sa Fifty Most Beautiful People in the World ng People Magazine.. Kilalang kilala si Jon Bon Jovi bilang isa sa mga may pinakamagandang boses at isa sa pinakamalakas ang Karisma sa mundo ng musika noong kapanahunan nya at sigurado ako na isa ka rin sa mga sumubok na kantahin sa videoke ang mga awitin nila.. Mga awiting talaga namang naging kasama na natin noong kabataan natin ng halos araw araw. Sa kausuhan ng karaoke at mga component ng mga may nag-aabroad sa pamilya noong ara...