Ang buhay ni Arnel Pineda ng Journey

Image
Isa sya sa nabubuhay na ebidensya na tunay ang kasabihang ang buhay ay parang gulong lang, na maaaring nasa ilalim ka ngayon, nasa laylayan, naghihikahos sa buhay. Pero di mo pwedeng sabihin na anjan ka lang lage, kung magsisikap ka lang, gagamitin ng tama at pagyayamanin ang talento o kakayahang ibinigay ng Dyos sayo, gagawin ang lahat para sa pangarap mo. Siguradong maaabot mo rin ang ninanais mo balang araw. Tulad ng kabayan nating si Arnel Pineda na nagmula sa simpleng pamilya, pinaglaruan ng tadhana at naluklok sa kahirapan… naranasang mamuhay mag isa sa murang edad, natutong kumayod para may mailagay man lang sa sikmurang kumakalam.. Sino ang mag aakala, na ang bata na noon ay halos walang wala ay isa na sa pinakamayaman at pinakasuccessful na singer hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo... halika at ating balikan ang mala-fairytail na kwento ng buhay ni Arnel pineda..  Panoorin sa Youtube ang buong kuwento:  Ang buhay ni Arnel Pineda Panganay sa apat na magkakap...

Hindi lang edad ang dahilan ng pagkawala ng boses ni Jon Bon Jovi



Sa kabuuang labinglimang album ng bandang Bon Jovi sa loob ng halos apat na dekada ng kanilang karera, ay umani ang mga ito ng sobrang success. Bumenta sila ng 130 Million Records Worldwide na naglagay sa kanila sa hanay ng mga mga Best Selling Rock Bands of All Time at maging isa sa Greatest Rock Bands of All Time..

Naiukit ni Jon Bon Jovi ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng rock music bilang isang bituin. Tinagurian ito ng Billboard na The Most Powerful and Influential People in the Music Business at napasama sa Fifty Most Beautiful People in the World ng People Magazine..

Kilalang kilala si Jon Bon Jovi bilang isa sa mga may pinakamagandang boses at isa sa pinakamalakas ang Karisma sa mundo ng musika noong kapanahunan nya at sigurado ako na isa ka rin sa mga sumubok na kantahin sa videoke ang mga awitin nila.. Mga awiting talaga namang naging kasama na natin noong kabataan natin ng halos araw araw. Sa kausuhan ng karaoke at mga component ng mga may nag-aabroad sa pamilya noong araw, e awitin ng Bon Jovi ang halos maririnig mo maghapon.

Pero sa kasalukuyan nating panahon na patuloy pa ring nagto-tour ang banda, naging center si Jon Bon Jovi ng usap usapan dahil sa bukod sa nawala na ang ginintuang boses nya, na unawa naman natin pero ang pagsala nya kahit sa tono ng kanilang mga sikat na kanta ay nagtaas ng pag-aalala ng mga solid fans ng Bon Jovi at umani naman ng mga negatibong komento mula sa kritiko..

Ano nga ba ang itinuturong problema kung bakit nagkaganito ang pagkanta ni Jon Bon Jovi?----

Sa nakaraang performance ng Bon Jovi nitong April 2022, kumalat ang mga video clips ni Jon Bon Jovi na sobrang hirap na hirap ito sa pagkanta ng kanilang mga hits songs.. Na bukod sa sobrang sirang sira na ang boses ay mahahalata rin ang pagsala nito sa tono ng mga kanta sa loob ng dalawang oras na concert ng mga ito.

Sinundan ito ng sari saring reactions at isa dito ang Vocalist ng bandang The Darkness na si Justin Hawkins sa kanyang Youtube channel na sinabi nitong kailangang magpahinga at magpatingin ni Jon Bon Jovi sa dalubhasa dahil bukod sa problema sa vocals nito ay maaari umanong may problema din ito sa pandinig.

Nakiusap din ito sa mga taong nakapaligid kay John na sabihin ditong tumigil na dahil bilang kapwa touring vocalist, kailangan umanong maibigay nila ang performance na deserve ng kanilang mga fans. 

Ayun sa mga eksperto na nakisali sa usaping ito, may apat umanong possible na dahilan ng nangyayari sa pagkanta ni Jon Bon Jovi.

Una dito ay epekto ng Covid. Matatandaang nagkaroon ng covid si John noong October 2021 at inamin nitong 2 weeks siyang hindi nakakanta.

Ayun sa article ng National Library of Medicine, malaki umano ang impact ng sakit na ito sa mga singers dahil pwede itong makaapekto sa boses.

Kung napanood nyo dito sa youtube ang concerts nya bago magkaroon ng pandemya ay kapansin pansin na ang hirap ni Jon Bon Jovi sa pagkanta pero mas lumala ng malaki, ngayong mga huling concerts nila kaya kino-consider ng iba na naapektuhan tlga sya ng covid.

Pangalawa ay technical Issues.

Maraming musicians sa panahon natin ngayon ang gumagamit ng ear monitors sa kanilang concerts para marinig ng singer kung ayos ang pagkanta nila sa stage. Ayun sa unang manager ng Bon Jovi na si Peter Mantas, maaari umanong may problema ang ear monitor ni John dahil imposible umanong hindi nito naririnig na wala na sya sa tono.

So pwede ring pumasok dito ang sinabi ni Hawkins na maaari ding may problema na si John sa pandinig.

Ang pangatlong itinuturong dahilan na naging simula ng pagkasira ng boses ni Jon Bon Jovi ay ang pag-alis ng kanyang partner in crime na si Richie Sambora.

Ayun sa pinakaunang manager ng Bon Jovi, Si Richie umano ang nagdeliver ng mga guitar riffs sa mga awitin ng Bon Jovi sa loob ng halos 30 years, kasama ito sa pagsusulat at sobrang laki din ng kabahagi nito sa vocals ng mga kanta ng banda..

Sa pag-alis nito sa banda noong 2013, naging solo na ni Jon Bon Jovi ang lahat ng vocals lalo na sa mga chorus ng kanta na dati ay may Richie Sambora na nagsasagawa ng shadow vocals para mabawasan ang stress sa boses ni Jon Bon Jovi… 

Ang pang apat at pinaka-Obvious sa lahat ay ang father time o pagtanda.

Si Jon Bon Jovi ay 60 years old na ngayon, at habang tumatanda tayo mga idol e nagkakaroon na ng pagbabago sa vocal folds at pagbabago sa lungs, kaya hindi na natin kayang kumanta ng katulad ng pagkanta natin dati..

Kung ano pa man mga idol, nararapat lang siguro na bigyan ng respeto ang isang Jon Bon Jovi. Marahil, ung mga nambabash at nagrereklamo sa sintunadong pagkanta ni John ay hindi talaga solid fans ng banda. Dahil marami sa nanonood ng concerts ng Bon Jovi, ay bumili ng ticket sa kabila ng hindi na magandang performance ni John, dahil sa gusto nilang lubusin ang pagkakataon na maging bahagi ng concert ng isang legendary na banda tulad ng Bon Jovi, hanggang anjan pa sila… Hanggang kaya pa nilang magperform.. Ang iba ay gusto lang makita ng live ang isang Bon Jovi dahil kapag nagretiro na sila. Makakasama na lang ang banda sa masasaya nating ala ala..

Ikaw idol? Ano ang opinyon mo dito? Kailangan na ba talagang magretiro ang bandang Bon Jovi? 

Panoorin ang video at ibahagi ang iyong opinyon tungkol dito.

https://youtu.be/qwn31Hrx37U

Comments