Ang buhay ni Arnel Pineda ng Journey
Sa pagsikat ng Boyband na Take that noong early 90s sa UK, Isang music manager sa Ireland na si Louis Walsh ang nagbuo ng Irish version ng Take That kaya nagkaroon ng Boyzone noong 1993 at kalaunan ay nasa likod din ito ng pagbuo ng Westlife noong 1998.. na parehas napabilang sa mga pinakamalaking boyband sa buong mundo.. Pero hindi naman lahat ng binuong boyband ni Walsh ay nagtagumpay, dahil ang Mytown na binuo nito noong 1996 ay masasabi nating sablay pero ganun pa man, pagkalipas ng ilang taon, dalawang myembro nito na mga gifted na songwritters at producers ang nagpatuloy at nagdagdag ng drummer kaya dun ay ipinanganak ang bandang The Script, ang bandang nakilala sa mga awiting The man who cant be moved----
Breakeven---
Nothing---
Hall of Fame---
Superheroes---
At marami pang iba, halika at mas kilalanin natin ang bandang The Script, Paano sila nabuo at bakit sinasabi ng marami na napakaunderated ng banda na ito? Bakit walang pakealam o ayaw ng bandang ito na manominate sila sa kahit anong awards? Nasaan na sila ngayon?
Talakayin nating lahat yan pagkatapos ng ating intro.. Maraming Salamat mga idol…
Panoorin ang buong video: The Script Story Tagalog
Magsisimula ang ating kuwento noong 1996 sa Dublin Ireland kung saan ay narecruit sa binubuong boyband na Mytown ang noon ay nagtuturo ng hiphop dancing na si Mark Sheehan. Naging maganda ang simula ng grupo dahil nagkaroon agad sila ng pagkakataong makalipad sa Las Vegas, Nevada para makapagperform sa MGM Grand Garden arena.. Pagbalik sa Ireland, inalis ng mga ito ang isa nilang myembro at ipinasok ang kababata ni Mark na si Danny O'Donoghue na mula 12yrs old pa lang e matalik na silang magkaibigan.
Nasundan ito ng isa pang showcase sa New York kung saan nila nakuha ang pansin ng Universal Records at nakapirma sila ng kontrata dito.. mula nun ay nagsimula nang magsulat ang banda ng mga original songs at mas pagandahin ang kanilang harmony…
Target ng Banda na mairelease ang debut at selftitled album na MyTown sa buong mundo pero sa Ireland at UK pa lang ay hindi na ito nakakuha ng success dahil na rin sa internal struggle sa Universal Records na naging dahilan ng pagtanggal ng mga ito ng Mytown sa kanilang record label…
Mula dito ay naghiwalay na din ang grupo at nagfocus sa kanikanilang mga karera maliban na lang kay Mark at Danny na nanatiling magkasama at nanatili sa Los Angeles California para magtrabaho bilang producers.. Nakapagproduce at nakapagsulat sila ng awitin sa mga tulad nina Britney Spears, Boyz 2 Men at TLC..
Pero dahil nga taglay nila ang lahat ng talento para tumugtog at kumanta ng sarili nilang likhang mga awitin e bumalik ang dalawa sa Ireland at dun ay nakipagcollaboration sila sa isang napakatalentadong drummer na si Glen Power, na nagsimula pang tumugtog ng drums mula walong taong gulang pa lang ito.. Nasa panahon ito ng pagbuo ng kanyang sariling projects pero parang isang magic ang naging teamwork nilang tatlo na nagawang makaproduce ng tatlong kanta sa loob lang ng isang linggo… Dito ay nagpasya si Danny at Mark na irecruit si Glen na agad din namang itinigil ang lahat ng solo projects para sumali sa dalawa…
Ayun kay Glen, una nyang nakilala si Mark tapos nung makita nya si Danny ay para umanong matagal na nya itong kakilala dahil sobrang ganda agad ng chemistry nilang tatlo kaya nagpasya silang magbuo ng banda at dito nga, 2001, ipinanganak ang The Script.
Napakapirma ang banda sa Phonogenic Records na bahagi ng Sony Label Group noong 2005 at noong August 8, 2008, nairelease ng banda ang kanilang debut at seltitled album na The Script, kabilang ang mga Single na Talk you down, Before The Worst, The Man Who Cant be moved---
We Cry---
Breakeven---
Nagnumber 1 agad at pumalo ito ng 4x platinum sa UK at 5x platinum naman sa Ireland. Pumasok pa itong ng Billboard 200 sa pang 64 na pwesto.
Instant commercial success ang album, nakapagbigay ito ng maraming awards at pagkakataong makapag opening sa malalaking pangalan sa music industry tulad ng konsyerto nina Enrique Iglesias, Take That, U2, at maging kay Paul Mccartney.
At dahil napasok din nila ang US, nakapagsagawa din sila dito ng mga konsyerto..
Noong september 10, 2010 nairelease naman ang pangalawang studio album na Science and Faith kung saan nabibilang ang mga singles na If you ever come back, For the first time, Science and faith, at nothing----
Pumalo muli ito sa number 1 sa Ireland at UK at naging number 3 naman ito sa Billboard 200.
Masasabi natin mga idol na samga panahong ito ay isa na ang The script sa mga nasa Mainstream na banda na nakakagawang pumuno ng malalaking venue sa kanilang mga konsyerto at bumenta ng lahat ng tickets sa loob lang ng ilang minuto..
Noong early 2012, isa si Danny sa napili para maging Coach sa The Voice UK kasama sina Jessie J, Will I Am ng Black eyed peas at Tom Jones. Umani ito ng kontrobersya dahil kahit nakakuha ng malaking success ang The Script e marami namang mga ordinaryong tao na awitin lang nila ang alam pero hindi kilala ang banda.. Marami ang nagsasabi na hindi ito nararapat na ihanay sa malalaking artists na kasama nya bilang coach sa naturang programa. Katunayan e naging maingay nun sa twitter ang tweet na Danny I Dunno Who…
Pero palaban namang sinabi ni Danny na kinuha sya sa The Voice UK dahil sa kanyang nagawa at naachieve sa loob ng 15 taon nyang karera sa music industry nung panahon na yun..
Marami na din ang nagsasabing makasarili ito, may plano na itong magsolo at iiwan na nito ang banda sa ere. Kaya pumasok na sa eksena ang dalawang kabanda para ipagtanggol ang kanilang bokalista.
Sinabi ng mga ito na sobrang dami nngmga fans na gusto ang kanilang kanta kapag naririnig sa radyo pero hindi naman kilala ng mga ito kung sino ang kumanta.. Kaya ang pagsali umano ni Danny bilang Coach sa The Voice ay makakatulong para magkaroon ng mukha ang The Script.. Mas makikilala ng tao si Danny na siguradong makikinabang sa huli ay ang banda din dahil maeexpose sila saa mas malawak na fanbase.
May mga report din na lumabas mga idol na hinahati at binibigyan ni Danny ang kanyang dalawang kabanda sa kinikita sa nito The Voice…
Sinabi ni Danny na hindi na lang naman tungkol sa pera ang lahat dahil mas mahalaga sa kanila ang kapatiran at ang kanilang musika dahil dito nila naiibuhos ang masasakit na karanasan nila sa buhay… Sa mga hindi nga nakakaalam mga idol e karamihang kanta ng The script ay tungkol sa masasakit na pagsubok na kanilang pinagdaanan tulad ng pagkamatay ng kanilang mga magulang…
Sa iba umano, sa alak at droga ibinubuhos ang lungkot pero sila, ito ang tamang panahon para makabuo ng madaming kanta…
Dito mga idol at nakipagcollaboration ang The Script kay Will I Am na katrabaho ni Danny sa The Voice para sa isa nilang single na Hall of Fame-----
Kung saan ay pabirong sinabi ng banda na kinidnap nila si Will I Am para madala at makapagrecord sa studio. Ito mga idol ang pinakasuccessful na single ng The Script na naging multi platinum sa napakaraming bansa, kasama na nga jan ang UK at US. Kabilang ito sa pangatlo nilang album na number 3 na inerelease noong September 10, 2012 sa UK at October 9, 2012 naman sa US. Kabilang dito ang iba pang mga singles na Six degrees of separation, If you could see me now, at Millionaires----
Muli itong nagnumber 1 sa ireland, number 2 sa UK at number 13 naman sa US.
Marami dito ang pumuri sa abilidad ni Danny na magsulat ng kanta at tinagurian pa itong emotional storyteller pero umani din naman ng negatibong reviews ang album na ito saa mga kritiko na pumalo pa nga sa 38 out of 100 ang kabuuan ng rate sa album.
Noong 2013, sa pangalawang series ng The Voice UK, hindi inaasahan na nagawang maiuwi ni Andrea Begley na kabilang sa Team ni Danny ang kampiyonato laban sa mas paborito na team Will I Am, nasundan ito ng malaking kontrobersya dahil agad na nagtweet si Will I Am pra ilabas ang kanyang disappointment sa resulta.
Dito mga idol e nagpasya nang umalis si Danny sa The Voice para magfocus sa banda at alagaan ang may sakit na ina..
Sa taon ding ito, muling nanominate ang The Script sa Brit Awards pero naglabas ng saloobin si Danny na hanggat maaari ay ayaw na nyang manominate sila sa mga awards dahil hindi din naman umano ibibigay sa kanila, isinasama lang umano sila sa nominations para akiting manood ang kanilang mga fans sa naturang programa… Ikaw idol? Naniniwala ka din ba na may palakasan talaga sa pagbibigay ng mga awards?
Noong September 12, 2014, nairelease ang pang apat na studio album na No Sound Without Silence kabilang ang mga singles na No Good in Goodbye, Man on a wire at Superheroes----
Marami ang kritikong nagsabi na mukhang minadali umano ang album at kulang umano sa artistic vision pero ganun pa man e nagkaroon pa rin naman ito ng commercial success dahil muli itong nanguna sa Ireland at number 2 sa UK. Sa mga hindi nakakaalam mga idol ay nabuo nga ang album na ito sa loob ng kanilang Bus na may recording studio sa loob habang nagsasagawa sila ng tours sa kanilang album na #3.
Sinabi ni Danny na sa katunayang successful pa rin ang kanilang album at dinudumog pa rin sila sa kanilang tours, dun mo umano makikita na hindi pweden ibase sa awards at opinyon ng mga kritiko ang kanilang halaga bilang banda.. Kung totoo umanong basura ang kanilang album, wala umanong bibili at susuporta dito.
Nagsagawa muli ang banda ng malawakang tours para suportahan ang album pero pagkatapos nito ay nagkaroon ng mahabang pahinga ang banda dahil nakakaramdam na sila ng pagod sa walang tigil na tours at projects.. kinailangan din ni Danny na sumailalim sa throat surgery.
Noong September 1, 2017, nairelease ang comeback at panglimang album na Freedom Child kabilang ang mga singles na Open Arms at Rain----
Muli e dinumog ito ng negatibong reviews pero salungat nito e pumalo pa rin ito sa number 1 sa ireland at UK. Pumasok din ito sa 58 ng billboard 200.
Noong March 17, 2018 binilhan ng The Script ng inumin ang lahat ng nanood sa konsyerto nila sa Brussels Forest National, para icelebrate ang St. Patrick's Day. Inabot ito ng 8,000 inumin na sapat na para magset ng World Record.. -----
Inamin ni Danny na gumastos sila ng 22 thousand pounds kaya natulala umano sya kinaumagahan nung wala ng pera ang kanyang wallet---
Noong November 8, 2019, nairelease ang pang anim at pinakahuling album so far ng The Script na Sunsets and Full Moons kabilang ang mga singles na Run Through Walls at The Last Time----
Muli itong pumalo ng number 1 sa Ireland at UK.
Sa kasalukuyan mga idol, habang ginagawa ko itong video e may mayroon na silang anim na studio albums, 2 compilation albums, 20 music videos, 4 extended plays, at 22 singles.
Ayun sa bestsellingalbums,org, bumenta ang The Script ng kabuuang 29 million records.
May nakaschedule silang 23 konsyerto ngayong 2022, kasama na nga jan ang sa Pilipinas sa parating na September 23.
Manonood ka ba idol o kasama ka na naman ni AKLAT PH sa team sana all?
Ang hirap din kase ng buhay ngayon ano mga idol, pero syempre, kung bibigyan lang ako ng pagkakataon at hindi naman masasaktan ang budget para sa family… Di ko talaga papalampasing mapanood ang mga ganitong kalaking banda..
To be Honest mga idol, hindi nila ako fan pero syempre, isa ako sa nakakaappreciate ng musika ng The Script..
Comments
Post a Comment