Ang buhay ni Arnel Pineda ng Journey
Ang pagsikat ng napakaraming mga boybands at girlgroups noong 90s ang nagpapatunay kung gaaanong kalakas ang Pop music sa panahong yun. Sa kabila ng kasagsagan din ng kasikatan noon ng mga nag-aastigang mga rock bands e bigla ding nagsulputan at nakakuha ng sobrang commercial success ang mga bandang pop ang tugtugan tulad ng mga Hansons, Moffatts, at ang tatalakayin natin ngayon na pop duo na Savage Garden.
Tandang tanda ko nun na feeling poging pogi ka na kapag kinakanta sa videoke ang awitin ng mga ito na I knew I Loved you----
Ang makaputol hiningang Truly Madly Deeply---
At ibang magaganda nilang kanta tulad ng Crash and Burn---
The animal song---
At marami pang iba…
Isa na sa pinakasuccessful na banda noong mid 90s pero nag iwan din ng sobrang disappointment sa mga fans nito ng mabuwag sila agad matapos lang makapagrelease ng dalawang studio album na nakabenta agad ng 23 million copies sa buong mundo…
Ano nga ba ang nangyari sa Savage Garden? Bakit bigla silang naghiwalay?
Atin ding alamin mga idol kung paano ba sila nagsimula dahil isa sila sa mga bandang naging larawan ng katatagan na nakatanggap ng literal na daan daang rejections bago nakuha ang kasikatan… Pag usapan nating lahat yan pagkatapos ng intro.. Maraming salamat mga idol----
Magsisimula ang ating kuwento sa Brisbane, Queensland sa Australia. Ang multi instrumentalist na si Daniel Jones na mula sa pamilya ng mga musicians ay nagsimulang tumugtog ng Keyboard at Drums sa mga Bars at mga hotel sa edad lang na sampung taon.. Paglipas ng ilang panahon e naisipan nitong bumuo ng cover band na Red Edge kasama ang kapatid at ilang kaibigan pero kailangan nila ng bokalista kaya nagpost si Daniel ng advertisement sa Time Off na isang newspaper sa kanilang lugar..
Ang kaisa isang sumagot, ang studyanteng si Darren Hayes na hindi man ito ang tipong bokalista na kailangan ng banda e kalaunan ay nagkaroon ng magandang chemistry sa pagitan nito at ni Daniel dahil parehas sila ng tipong musika at nagkataong parehas ding may kakayahang magsulat ng kanta.
Nung maisipan ng mga itong maging mas seryoso sa musika, nagsimulang bumuo ang dalawa ng mga original songs pero noong 1994 e umalis sila sa banda para magpatuloy bilang duo.
Sa ilalim ng pangalang Crush, nagsimula silang magpasa ng demo sa ibat ibang record companies sa buong mundo at dito nga mga idol ay nakatikim ang dalawa ng kaliwat kanang rejections dahil sa 150 demos na ipinasa nila ay iisa lang ang nagpakita ng interes at nagtiwala sa kanila.. Si John Woodruff na naging manager ng dalawa na tumulong para makakuha ng kontrata sa Village Roadshow na ayun kay Darren ay hindi nya magawang maipagmalaki sa kanyang pamilya at mga kaibigan nung time na yun dahil isa talaga itong kompanya na ang hawak ay mga sinehan at pelikula. ----
Sa mga panahong ito mga idol e ginawa na nilang Savage Garden ang pangalan ng grupo nila na nagmula sa phrase na “Beauty was a Savage Garden” na mababasa sa The Vampire Chronicles na isang nobela ni Anne Rice.
Sa tulong ng producer na si Charles Fisher na nakilala sa pagproduce din nito sa Air Supply, ay nakabuo at nakarelease sila ng single na I want you----
Na nagbigay agad ng success sa dalawa at nakakuha din ito ng atensyon ng mas malalaking international record labels tulad ng Columbia Records kung saan pumirma ang dalawa.
Dito ay ipinadala sila sa Sydney para gumawa ng mga kanta sa loob ng walong bwan at nabuo nga dito ang debut at selftitled album na Savage Garden na nairelease noong March 4, 1997. Andito ang mga singles na Break me shake me, Universe, All Around me, Tears of Pearls, I want you, To the moon and back----
Truly Madly Deeply---
At Santa Monica----
Naging instant superstars sila dito mga idol dahil nagnumber 1 agad ito sa Australia at nagawang makapasok sa number 2 sa UK at number 3 ng Billboard 200. Nacertified ito ng Recording industry association of America bilang 7x Platinum album, 12x platinum sa Australia, Diamond sa Canada, 3x Platinum sa UK at bumenta ng kabuuang 12 million copies sa buong mundo.
Ang tindi nun mga idol pero hindi naman naging completely happy ang naging karanasan ng dalawa sa nakamit na biglang kasikatan. Nagpunta si Darren sa New York para ipromote ang Savage Garden internationally pero Nagkahiwalay sila ng asawa nitong si Colby Taylor na naging inspirasyon sa ilang kanta na naisulat nya para sa sunod na album.
Samantalang si Daniel naman ay nanatili lang sa Australia dahil hindi nito nagustuhan ang hectic lifestyle na nagkaroon sila dahil sa sobrang kasikatang nakukuha. Gusto lang nitong lumikha ng musika pero hindi nya gusto na sya ang nasa front, mas nanaisin nitong nasa loob lang sya ng studio.
Kaya nung magsisimula nang magbuo ng pangalawang album mga idol ay nagsabi na si Daniel kay Darren na ayaw na nya. Papayag lang syang magpatuloy kung aakuin lahat ni Darren ang pagpopromote at lahat ng publicity. Kailangan nya umanong alisin si Daniel sa spotlight hanggat posible.
Nabuo ang pangalawang album ng halos nasa magkabilang panig ng mundo ang dalawa dahil nanatili tlga si Daniel sa Australia.
Noong February 23, 1999 inerelease nila ang awiting The Animal Song----
Para sa soundtrack ng pelikulang The Other sister at kasama ito sa pangalawang studio album na Affirmation na inerelease naman noong November 9, 1999 kung saan nabibilang ang mga singles na The Best Thing, Hold me, Chained to you, Affirmation, The animal song, I knew I loved you---
At Crash and Burn---
Naging successful muli ang album na ito mga idol na nakabenta ng mahigit sa 8 million copies sa buong mundo. 8x platinum ito sa Australia, 3x platinum sa US, 3x platinum sa UK at nagplatinum din sa ibat ibang bansa..
Pero tulad noong una, nagkaroon muli ito ng malaking stress at pressure kay Daniel kaya madalas nang magtalo ang dalawa kapag napapag usapan ang schedule ng kanilang mga Tours..
Sobrang ganda ng combination ng dalawa mga idol pagdating sa paglikha ng mga musikang magugustuhan ng masa pero ang problema ay magkaiba naman sila pagdating sa maraming bagay at pangarap.. Mas naeenjoy ni Darren ang kasikatan nilang tinatamasa, ang mga interviews, camera, fans, lahat lahat dahil ito talaga ang pangarap nya mula pagkabata mula mapanood nya ang idolong si Michel Jackson…
Samantalang si Daniel, sya yung tipo ng musician na ayaw sa spotlight kaya kung mapapansin nyo mga idol, may ilan silang music videos na nakablurd o parang nasa background o likod lang si Daniel ni Darren.. Mas gusto nito ang nasa studio lang sya habang lumilikha ng musika..
Napilitan lang itong sumama muli sa buong Affirmation tours dahil ito yung dapat nyang gawin para sa mga fans,, pero ang totoo mga idol, ayaw nito ng mga tours.
Pagkatapos ng tours dito na nagsimulang humingi ng pahinga si Daniel at nagtatag ito ng sariling record label.
Samantalang si Darren naman ay nagpatuloy sa mga konsyerto at nagpatuloy na maging mukha ng savage garden pero nagsimula na rin itong magbuo ng kanyang solo album..
Sa mga panahong ito mga idol ay nagkaroon ng misunderstanding sa dalawa.. Akala ni Daniel ay nag eenjoy pa si Darren sa pagiging solo artist kaya hinayaan lang nya, pero sa kabilang banda naman e akala din ni Darren na wala na talagang pakealam si Daniel kaya nung makausap ni Darren ang isang Australian Jornalist, nasabi nito na wala na ang Savage Garden mula pa noong October 2021.
Hindi inakala ni Darren na kakalat agad ang nasabi nya kaya nakaabot ito kay Daniel na Tatay pa nito mismo ang nagsabi dito tungkol saa balitang nag anunsyo na si Darren na wala na ang Savage Garden. Itinanggi naman ni Daniel na break na ang banda pero sa huli, naging pagkakataon na rin ito para sa kanya na mas makapagfocus sa gusto at mahal nya talagang gawin. Ang magproduce ng musika ng nasa likod lang sya ng eksena.. Naging busy ito sa kanyang sariling record label na Meridien Musik, nagtayo din ito ng kanyang recording studio kung saan nagrecord ang mga hawak nyang banda tulad ng Australian band na Aneiki at Bachelor Girl na si Daniel mismo ang producer ng mga ito.
Samantala, nakapagrelease naman si Darren Hayes ng apat na studio albums, ang Debut solo album nito na Spin noong 2002, Pangalawang album na The Tension and the spark noong 2004, Pangatlong This Delicate thing weve made noong 2007, at pang apat na Secret Codes and Battleships noong 2011…
Ang Spin lang ang nagkaroon ng kaunting success dito pero bigo itong makalapit man lang ng kunti sa success ng albums nila sa Savage Garden.
Noong 2003, inanunsyo ni Daniel Jones na engage na sya isang Filipina Born Australian Actress, dancer at singer na si Kathleen de Leon na kasama sa musical group na Hi-5. Ikinasal ang mga ito noong October 5, 2005 at nagkaroon ng dalawang anak as of 2010, di ako sure mga idol kung nadagdagan na..
Samantala, nagsimula namang maging totoo sa sarili si Darren Hayes tungkol sa kanyang kasarian noong early 2000s pero sa kanya lang mga kaibigan.. Lihim itong ikinasal sa boyfriend na si Richard Cullen noong July 23, 2005 at nasundan pa noong June 19, 2006.
Muli silang ikinasal noong July 15, 2013 sa California na sa pagkakataong ito ay sa harap na ng lahat ng tao bilang pagpapakita ng suporta sa same sex marriage at bilang paglabas na rin sa publiko ng tunay nyang kasarian..
Nasundan ito ng interview ni Darren kung saan ay sinabi nito na dumaan talaga sya sa depresyon nung nasa tuktok sila ng kasikatan bilang Savage Garden dahil nga sa hindi nito mailabas kung ano talaga sya-----
Hindi na muling nabuo ang Savage Garden mga idol at kahit sinasabi ng mga ito na walang naging masamang tinapay sa pagitan nilang dalawa e hindi na rin naman sila naging katulad pa ng dati at hindi na rin nagkaroon pa ng reunion hanggang sa kasalukuyan..
50 years old na ngayon si Darren Hayes, aktibo pa rin ito sa musika at 49 years old naman si Daniel Jones.. Sa panahon natin ngayon ay napakaraming banda o grupo from old eras ang lumabas at muling nagsagawa ng tours at syempre, tinaggap naman sila at patuloy na sinusuportahan ng mga luma at mga bagong tagahanga.. Napakabata pa kung tutuusin ng Savage Garden ngayon… Kung sakaling maisipan nilang magreunion at magtour sa Pilipinas, manonood ka ba?
Comments
Post a Comment