Ang buhay ni Arnel Pineda ng Journey
Kapag binanggit mo ang pangalan ng Bandang Queen, karugtong na nito sa isip natin ang Pangalang Freddie Mercury.. then, andyan si Roger Taylor at Brian May… Pero may ilang fans, na hindi kilala ang kanilang Bassist na si John Deacon. Siya lang naman ang nagsulat at lumikha ng mga kantang Another One Bite the Dust, I want to break free, Youre my best friend at katulong sa paglikha ng Under Pressure at marami pang iba… Nagulat ka ba idol?
Panoorin sa Youtube ang buong kuwento: John Deacon and Queen Story Tagalog
Bilang isang tipong mahiyain kase mga idol na isinama mo sa tulad nina freddie, roger at Brian na ramdam na ramdam mo ang presence sa mga konsyerto nila eh hindi na talaga sya mapapansin ng ibang tao.
Mula nawala si Freddie Mercury, tumugtog pa ng tatlong beses si John Deacon sa banda then sumama sa pagrerecord ng kantang Noone But You (only the good die young) pero pagkatapos nun e tuluyan na itong nawala sa paningin ng mga fans.. Tuluyan na itong tumalikod sa kasikatan at hindi na muling bumalik pa.
Kung tatapusin mo itong video idol, marami kang malalaman tungkol sa bandang Queen. Akala kase natin na ang banda ay tungkol lang kay freddie mercury at mga magaganda nilang awitin. pero ang totoo, bawat isang myembro ng bandang Queen ay maituturing na mga Henyo sa musika at sa iba pang larangan.
Gusto ko ring ihighlight mga idol sa videong ito si John Deacon. Dahil habang patuloy na tumutugtog ang mga kasama nyang si Brian May at Roger Taylor kasama ang mga bago nilang Myembro, humahakot ng maraming pera at kasikatan sa mga konsyerto nila, e tila ba lalong nabaon sa limot at wala na lalong nakakakilala kay John Deacon. Gusto ko syang mas pa ipakilala sa inyo lalo na sa mga bagong fan ng Queen. Sasagutin natin ang mga katanungan na, bakit nga ba sobrang apektado ito sa pagkamatay ni Freddie Mercury na nauwi pa nga sa pag alis nya sa banda? Tinalikuran nya ang kasikatan at piniling mamuhay na lang ng tahimik dahil sa pagkawala ni Freddie na itinuring nyang kaibigan. Nasaan na sya ngayon? Totoo ba na naghihirap na ito at nagpapalaboy laboy na lang? Tatalakayin natin lahat yan pero bago lumalim ang kwentuhan natin e inaanyayahan muna kitang magsubscribe at iclcik ang notification bell para lage kang updated sa mga bago natin uploads, ilike mo na din itong video bilang suporta sa ating channel. Maraming Salamat mga lods.
Alam nyo mga idol, nung hindi pa nabubuo ang bandang Queen e magkasama na si Brian May at Roger Taylor sa isang banda na tinatawag na Smile noong 1968. At sobrang Fan ng bandang ito si Freddie Mercury. Hindi malinaw sa Biography nila pero kung hindi ako nagkakamali e kaklase ni Freddie ang frontman ng Smile kaya kilala si Freddie ng banda. Nung umalis ang kanilang bokalista, agad nilang naisip na si Freddie Mercury ang ipalit nila.
Sumali si Freddie sa banda at nirekomenda nito ang bagong pangalan na Queen, then nakita nila si John Deacon na kinuha nila nung mag audition ito sa banda. Nung makompleto silang apat, nagsimula ng likhain ni Freddie ang logo ng banda na hinango nya sa zodiac signs nilang apat. Kaya makikita mo sa logo nila ang dalawang lion, dahil Leo si John at Roger. Isang alimango dahil Cancer si Brian at dalawang fairies naman dahil Virgo si Freddie.
Hindi mo siguro alam pero hindi pangkaraniwang banda lang ang Queen. Bukod sa ilan lang ang Queen sa mga bandang lahat ng myembro ay may kakayahang lumikha ng magandang awitin e Bawat isa pa sa apat na myembro nito ay sobrang talentado, Edukado at mayroong nakakahangang resume sa ibang larangan bukod sa musika.
Si Brian May ay may degree sa Astronomy, nakapagdesign na sya ng isang Planetareum Show at kasama sa Author ng Bang! The Complete History of the Universe.
Si Roger Taylor ay nakapagtapos ng BS in Biology.
Si John Deacon ay mahilig sa mga electronics na syang lumikha ng Amp na ginagamit nya at ni Brian May sa kanilang mga gitara. At kalaunan e naging available sa mercato noong 2010.
Si Freddie Mercury naman ay may degree sa Art and Graphic Design…
Pero katulad ng ibang banda, nagkakaroon din ng away ang apat. Ayun pa nga kay John Deacon, sobrang dalas nilang mag away away.. Bilang bandang bawat myembro ay matataas ang kalidad, ang negatibong impact nito ay ang kanya kanyang matataas na ego o pride.
Madalas nilang pag awayan kung sino ang dapat magmay ari ng isang kanta na kanilang nilikha. Madalas kase mga idol na kapag pakiramdam ng isang myembro nila e kanyang idea ang ginamit sa isang kanta e kailangang maipangalan yun sa kanya. Nung huli na lang umano napagkasunduan na ipangalan na lang sa banda ang mga kanta at hindi yung agawan at kanya kanya.
Ganun man sila mga idol, na parang walang teamwork e kapag gumawa naman ang mga ito ng musika at tumugtog sa harap ng libo libo nilang taga hanga e masasabi natin na sobrang perfect ng kanilang harmony at combination.
Aminin na natin mga idol, ang bandang Queen ay isa sa mga maituturing nating pinakasuccessful na banda sa history ng Rock Music. Sa sarili kong opinyon e nasa Top 1 ko sila, sunod ang Beatles. ikaw ba idol?
Anyway, pag usapan natin ang pagkakaibigan ni Freddie Mercury at John Deacon..
Marami ang nagpapatunay kung gaano kaganda ang pagkakaibigan ng dalawa at sobrang gandang kombinasyon umano dahil si Freddie ay itinuturing na Extravagant Extrovert Showman, kung baga sya yung tipo ng tropa mo na aktibo, maingay at lageng game na game at si John naman ay ung tipong mahiyain at tahimik lang.
Inilalarawan pa ng iba na gustong protektahan ni Freddie Mercury si John Deacon mula pressure ng kasikatan at pagiging baguhan sa banda kasama pa ang dalawa nilang myembro na parehas may personalidad na katulad din ni Freddie. Yung tipong matitigas ang personalidad at bossy type. Una, dahil si John ang pinakabata sa apat, sya ang pinakabago sa banda at yung dalawa, then gaya ng sabi ko kanina e matagal nang magkasama sina Brian May at Roger Taylor, literal na silang dalawa ang bumuo ng bandang Queen kaya mas mataas ang katayuan nila sa banda.
After all mga lods e isang basehan nila kaya kinuha nila si John e bukod sa talentado eto e malaking factor yung tahimik lang ito at medyo tipong mahiyain dahil sobrang strong personality na yung tatlo, si John ang perpektong karagdagang myembro sa banda dahil hindi umano ito masyadong umiimik sa rehearsals at hindi mahilig makipagtalo.
Nung huli naman e inamin din ni Freddie Mercury na sobrang ingay din nitong si John kapag sila sila lang ng banda ang magkakasama.
Kung magsasaliksik kayo mga lods e may mga kanta ang Queen na nilikha ni John Deacon pero kasama ang pangalan ni Freddie mercury sa co-writter , katunayan na inaacknowledge nya ang lahat ng ginagawa ni Freddie para sa kanya.
At alam nyo ba, e kaya lang humiwalay ang Queen sa dati nilang management company e sa dahilan na hindi umano nito pinahiram ng pera si Deacon para panghulog sana sa binibili nitong bahay para sa pamilya nya.
Mas nag umpisang lumalim ang samahan ni John at Freddie noong 1980's kung saan ay nagcollaboration ang dalawa sa pagsusulat ng mga kanta at iniba ng bahagya ang tugtugan ng Queen mula rock hanggang medyo pang disco ang tunog..
Nung 1982, sa kanilang album na Hot Space e nagkaroon ng samaan ng loob sa pagitan ni John at Brian May. Dahil sa kantang nilikha ni John Deacon na Back Chat, hindi nito hinayaang si Brian ang tumugtog ng gitara dahil hindi umano bagay ang stile nito sa kanta. Pero unfortunately mga idol, hindi bumenta ang Album na ito kung kaya bumalik sila sa lumang style nila na rock music..
Sa lahat ng ito hanggang mawala si Freddie Mercury e nagpatuloy ang malalim na pagkakaibigan ng dalawa..
Kung wala si Freddie, hindi umano kakayanin ni John Deacon ang pressure sa banda. Kung wala si Freddie, para kay John Deacon, tapos na rin ang banda… Para sa kanya, si Freddie Mercury mismo ang buhay ng banda, kung wala ito, wala na ding point pa para magpatuloy.
Imposible umanong makakita pa ang banda ng katulad ng isang Freddie Mercury. Kung walang Freddie, patay na din ang bandang Queen ayun sa kanya.
Pagkatapos ng ilang pagsama ni John Deacon sa mga huling tugtog ng banda sa mga tribute para kay Freddie at pagsama sa pagrecord ng isang kanta na tingin ko e para din kay Freddie, e nawala na sa mata ng publiko si John Deacon. Iniwan na nito ang kasikatan dahil sa pagkawala ng matalik na kaibigan..
Ayun kay Brian May, maaaring nadepressed umano si John sa pagkamatay ni Freddie Mercury, gusto nitong makalimot at hindi sya makakalimot kung patuloy syang sasama sa banda na magpapaalala lage sa kanya kay freddie mercury.
Hindi na umano sila gaanong nagkakaroon ng panahong magkausap, hindi din ito pumunta sa induction nila sa rock and roll hall of fame. Pero sa usapang business umano at tungkol sa financial ng banda, my power pa rin umano si John Deacon. Patuloy pa rin itong kumikita sa mga royalties na meron sya sa banda.
Kaya sa larawang nakunan nitong nakaraang mga araw lang… makikita si John Deacon, parang normal na matanda lang na naglalakad habang nagyoyosi… Masayang nabubuhay kasama ang asawa at anim na anak.. malayo sa kasikatan pero nakakasigurado tayo na namumuhay sya ng sagana at mapayapa kasama ang pamilya.
Ayun sa 2019 Sunday Time Rich List, si John Deacon ay may yaman na 130 milyon Pounds o mahigit sa 170 Million Dollars.
Nagustuhan mo ba ang kwento natin ngayon mga lods?
Comments
Post a Comment