Ang buhay ni Arnel Pineda ng Journey
Ang pagkakaroon ng isang matalik at mabuting kaibigan ay maituturing nating biyaya mula sa Maykapal. Marami ang nakakasama nila ang kanilang kaibigan sa hirap at ginhawa. May kaibigang selfless, may kaibigang ibibigay talaga kahit buhay para sa kaibigan nila. Pero madalas, napakaraming pagkakaibigan din ang nawasak dahil sa kahit napakaliit na bagay, pwede ring dahil sa babae o lalake, bisyo, pulitika at madalas ay sa pera. Tulad ng tatalakayin natin ngayon sa video nating ito.
Sa mundo ng musika, isa na sa pinakamalaking pagkakaibigan ay sa pagitan ng dalawang legends na sina Michael Jackson at Paul Mccartney. Si michael jackson ang the worlds most electrifying pop star na tinaguriang King of Pop, Samantalang si Mccartney naman ay bahagi ng pinakasuccessful at pinaka influencial na bandang The Beatles.
Nag-umpisa ito noong 1970s noong tawagan ni Michael Jackson si Paul Mccartney para tanungin kung gusto nitong gumawa ng maghihits na kanta. Mula nun ay naging madalas na ang communication sa pagitan ng dalawa. Dumating pa sa punto na inalok ni Paul Mccartney si Michael na bilihin ang isa nyang kanta na girlfriend, pero sa huli ay tinanggihan ito ni Michael at inirelease ito ni Paul para sa kanyang sariling album. Ganunpaman, nagpatuloy pa rin ang mabuting pagkakaibigan sa pagitan ng dalawa.
Dahil sa success na collaboration ni Paul Mccartney kay Stevie Wonder sa kantang Ebony and Ivory na nag number 1 sa mga music charts.
Syempre, isa na namang malaking tambalan ang mangyayari kung gagawa sila ni Michael ng kanta ng magkasama.
Unang naging collaboration ng dalawa ay noong sinamahan ni Michael si Paul sa kanta nitong Say Say say para sa album nitong Pipes of Peace pero nairelease pa ito noong 1983---
Sinundan ito ng kanta naman ni Michael Jackson na The Girl Is Mine na mas naunang irelease noong 1982, kasama sa album na thriller.
Dahil sa dalawang collaborations na ito ay naging mas matibay pa ang pagkakaibigan ng dalawa. Sinabi pa ni Michael na ang makasama si Paul Mccartney ang isa sa pinaka paborito nyang parte ng kanyang karera.
Pero kahit ang Say Say Say at Girl is mine ang pinakaunang singles sa album ng dalawa, hindi naman sila nagkaroon ng pagkakataon na magperform ng magkasama sa isang concert o pagtatanghal.
Nagsama lang ang dalawa sa music video ng Say say say---
Naging maganda ang pagkakaibigan ng dalawa, hanggang isang araw, pinayuhan ni Paul Mccartney si Michael Jackson na mag-invest sa pamamagitan ng pagbili ng publishing rights ng kanta ng ibang artists.
Nung panahong yun kasi mga idol ay hindi kumikita si Mccartney sa maraming kanta na ginawa nila ni John Lennon dahil sa nawalan sila ng karapatan dito dahil sa masasabi nating bulok na pakikipagkasundo ng manager ng The Beatles na si Brian Epstein. Nung mamatay ito, tuluyan nang nakuha ng kompanyang ATV ang nakakahilong 251 songs ng The Beatles.
Nung sinabi ni Paul kay Michael na kumikita sya ng milyon milyong dolyar sa pagbili ng publishing rights ng ibang artists, naging interesado dito si Michael Jackson. Sinabi pa nito kay Paul na isang araw umano ay bibilhin nya ang buong catalog ng The Beatles.
Inakala naman ni Paul Mccartney na nagbibiro lang ito kaya tinawanan lang nya ito.
Matapos ng pag uusap na ito, agad na tinawagan ni Michael ang abogado na si John Braca at nagsimula na silang bumili ng mga kanta ng mga artists na mula pa noong 60s.
Pero isang araw, sinabi ni Attorney John Braca kay Michael na for sale na umano ang ATV na isang kompanyang nag-mamay ari ng 4000 songs, kabilang dito ang 251 songs ng The Beatles.
Syempre, naging interesado dito si Michael Jackson pero una nilang ginawa ay ang kontakin ni John Braca at tanungin muna sina Yoko Ono na byuda ni John Lennon at si Paul Mccartney kung interesado ang mga itong bilhin ang naturang kompanya dahil andito nga ang mga kanta ng The Beatles, pero tinanggihan ito ng dalawa dahil sobra umanong laki ng halaga ang hinihingi.
Gustuhin man ni Paul Mccartney na bawiin ang mga kantang pinagpaguran nila ng kaibigang si John Lennon ay napakaimposible ng presyo nito sa yaman na mayroon lang sya noong panahon na yun. Kaya wala syang magagawa kundi ang tanggihan muna ito.
Tapos ayun kay Yoko Ono, mas masaya syang mapunta kay Michael Jackson ang mga kanta ng kanyang asawa kaysa sa malalaking corporation.
Dahil sobrang dami ng may interes sa pagbili ng ATV company, umabot sa tumataginting na 47.5 million dollars ang bid ni Michael Jackson para makuha ito. Ayun dito, kung sobrang sulit ang pagbili sa isang painting na Picasso, sigurado umanong wala ring katumbas na halaga ang mga kanta ng The Beatles dahil ayun sa kanya, ang mga kantang ito ang pinaka the best na mga kanta na naisulat sa kasaysayan.
Masaya itong nakuha ang karapatan sa napakaraming kantang ito ng The Beatles. Pero ito ang naging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan nito kay Paul Mccartney.
Pakiramdam nito ay pinagtaksilan sya ng kaibigang si Michael. Para syang ginisa sa sarili nyang mantika. Lahat ng mga kantang kanyang pinagpaguran at pinaglaanan ng napakaraming effort at panahon ay kaibigan nyang si Michael ang kikita at makikinabang.
Nalungkot ito na hindi inerespeto ni Michael ang kanilang pagkakaibigan.
Sinubukang sulatan ni Paul Mccartney si Michael Jackson pero hindi na ito sumasagot at hindi na sila nagkaroon pa ng communication ulit mula noon.
Noong 1990s, ipinagbili ni Michael Jackson ang kalahati ng kanyang shares ng mga nabiling catalog sa Sony.
Napabalitang kasama sa plano ni Michael Jackson na ilipat ang lahat ng pag-aari nyang mga kanta ng The Beatles kay Paul Mccartney para maayos ang problema nila pero hindi na ito nangyari dahil biglang pumanaw si Michael Jackson noong June 25, 2009.
Ganun paman, hindi din naman ito pinaniwalaan ni Paul Mccartney at sinabing gawa gawa lang ito ng media.
Sa mga interview kay Paul Mccartney noong 2009, ang sagot nito sa mga tanong sa kanya tungkol kay Michael Jackson.
He's a lovely man, massively talented, and we miss him.
Noong 2016, binili ng Sony ang kalahati pang catalog ng ATV music na nakapangalan pa kay Michael, kaya nakuha ng mga ito ang buong catalog ng 4000 songs kasama ang 251 ng The Beatles.
Pero nagkaroon naman ng liwanag para kay Paul Mccartney dahil sa isang batas ng Unite States na Federal Copyright Act of 1976, kung saan napapaloob dito na pwedeng bawiin ng Authors ang kanilang pag-aari, pagkalipas ng 56 hanggang 61 years mula mairegister ang copyright ng isang kanta o anumang likha ng original authors o artists.
Kaya nagsimulang mag-file ng Lawsuit si Paul Mccartney at ang kanyang legal team noong 2018 dahil pasok na sa batas na ito ang mga kantang nilikha nila sa The beatles noong 1962.
Nito lang 2021, nagkaroon na nagpagkakasundo sa pagitan ng Sony at Paul Mccartney at sa taon ding ito, sa wakas ay nakuha na ni Paul Mccartney, hindi man lahat, pero nalipat na sa kanya ang malaking parte ng karapatan sa The Beatles songs na pinaghirapan nya at ng kaibigang si John Lennon.
Masasabi nating sulit na sulit ang mahabang buhay ni Paul Mccartney, dahil sa huli ay nasa kanya pa rin ang huling halakhak.
Marami mang panahon ang nasayang at napakinabangan ng iba ang mga pinaghirapan nilang kanta ni John Lennon, sa huli ay ilalaan pa rin nya ang kanyang natitira pang buhay nang may ngiti sa mga labi. Dahil nasa kamay na nya ang mga awiting dapat lang naman ay nasa kanya matagal na.
Nakakalungkot nga lang ang nasirang pagkakaibigan sa pagitan nila ni Michael Jackson dahil lamang sa pera. Ganunpaman, dahil din naman sa kanya kaya natuto sa ganoong kalakaran si Michael Jackson at nagkataon din na noong panahon na yun, kung hindi bibilhin ni michael ang mga ito, mapupunta at mapupunta pa rin ito sa kamay ng ibang tao dahil walang kakayahan si Paul Mccartney noon na tapatan ang presyo ng mga catalogs nila ni John lennon.
Ano ang masasabi mo dito idol?
Comments
Post a Comment