Ang buhay ni Arnel Pineda ng Journey
Isang banda na magtuturo saten at magpapatunay na may naghihintay lageng tagumpay sa mga taong hindi sumusuko sa anumang pagsubok o problemang ibato sayo ng buhay…
Panoorin sa Youtube ang Buong Kuwento: Aerosmith Story Tagalog
Kilalanin natin ang bandang Aerosmith, ang madalas ituring na Greatest American Rock Band of All Time.. Ang kanilang katatagan, achievements, musika at impluwensya ay hindi basta basta mapapantayan..
Mayroon pa bang hindi nakakaranig ng mga awitin nilang I dont want to miss a thing----
Crazy-----
Angel---
Amazing----
At marami pang iba… Mga awiting hindi madaling kopyahin dahil sa kakaiba at taas ng boses ng kanilang bokalistang si Steven Tyler at sinabayan pa ng astig na gitaristang si Joe Perry na maituturing na isa sa Greatest Guitarists of All Time.
Ano nga ba ang kuwento ng bandang Aerosmith? Nasaan na sila ngayon?
Tatalakayin nating lahat yan idol pero bago ang lahat, intro at shoutouts muna tayo. Maraming Salamat.
Nagsimula ang kuwento noong late 60s, Si Steven Tyler ay drummer nung panahon na yun sa bandang The Chain Reaction samantalang si Joe Perry naman ay gitarista sa Bandang The Jam Band kasama ang bassist na si Tom Hamilton at Joey Kramer sa Drums.
Noong 1970, nagkataong nagkasabay ang dalawang banda sa iisang project at dun, nabuo ang idea na pagsamahin ang dalawang banda. Pero ayun kay Steven Tyler, sasama lang sya sa mga ito kung sya ang gagawin nilang frontman dahil ayaw nitong manatili sa likod ng drums. Agad namang pumayag ang iba kaya dito, nabuo ang bandang hindi mapapatumba ng anumang unos. Idinagdag lang nila ang kababata ni Tyler at rhythm guitarist na si Ray Tabano para makompleto ang line up.
Unang naisipan ng banda ang mga pangalang Spike Jones, The Hookers at Jack Daniels bago nila napagkaisahan ang pangalang Aerosmith na mula suhestyon ng drummer na si Joey Kramer.
Unang tumugtog ang banda noong november 1970 sa high school sa Mendon Massachusetts. At noong January 1971, pinalitan si Ray Tabano ni Brad Whitford.
Mabilis namang nakilala ang banda sa kanilang lugar hanggang sadyain sila ng Presidente ng Columbia Records para mapanood ng personal. Noong 1972, pinapirma nito ng kontrata ang banda sa naturang record label sa halagang 125,000 dollars.. Imagine kung gaano kalaking pera yun mga idol nung panahong 70s.. Pero kita naman natin, hindi sya nalugi sa kanyang investment. Marahil ay nagtiwala talaga ito sa kakayahan ng banda.
Nakapagrelease ang banda ng unang album noong 1973, ang self titled album na Aerosmith. Hindi naging successful ang album na ito na pumalo lang sa 166 ng billboard 200 pero nakakuha naman ng kasikatan ang kantang Dream On---
Noong 1974, nairelease ang pangalawang album na Get Your Wings pero bigo muli silang makakuha ng success dito. Sinuportahan naman ito ng banda ng kabi kabilang tour at nung matapos, sinimula na nila ang pangatlong album na Toys in the Attic na nairelease noong April 1975.
Ito ang album na nagdala sa Aerosmith sa kasikatan sa tulong ng single na Sweet Emotion na pinakaunang Top 40 hit ng banda---
Pumalo sa pang labing isa ang album na ito at nagkaroon na sila ng pagkakataong makapagtour sa ibat ibang bansa.
Sa tinamasang success ng pangatlong album, naisipang irelease ulet ng record label na Columbia ang ilang mga kanta sa mga naunang album tulad ng Dream On na sa pagkakataong ito ay pumalo na sa number 6 ng billboard.
Dahil sa ginawang ito, umangat din ang benta ng naunang dalwang album. Ang album na Aerosmith ay pumalo ng top 11 at ang Get Your Wings na dati ay nilangaw ay umakyat na din sa pang 74.
Noong 1976, nairelease naman nila ang itinuturing na most influencial na album ng Aerosmith na Rock na pumalo sa pang tatlo sa billboard 200, ito ay pang 229 din sa Top 500 Best album of all time ng The Rolling Stone. Bakit tinawag na most influencial album ng banda? Dahil naimpluwensyahan ng album na ito ang mga myembro ng mga bandang Guns N Roses, Metallica, Nirvana at napakarami pang mga banda.
Noong 1977, na-release naman ang panglimang studio album na Draw the Line. Pumasok ito sa pang 11 ng billboard pero nakitaan na sila dito ng epekto ng sobrang pagkakalulong sa masasamang bisyo. Apektado ang kanilang live performance at naturingan pang The Toxic Twins si Steven Tyler at Joe Perry dahil sa sobrang pag abuso ng dalawa sa bawal na gamot.
Nagkaroon naman sila ng appearance sa film na Sgt. Pepper’ Lonely Hearts Club Band kung saan kabilang ang cover song nila ng beatles na Come Together noong late 70s.
Noong 1979, inirelease nila ang pang anim na album na Night in the Ruts. Pero bago ito nairelease, nagkaroon muna ng matinding hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Tyler, Perry at kanilang mga asawa na nauwi sa isang mainit na komprontasyon sa backstage ng isa nilang show. Dahil dito, umalis ng banda si Perry at pinalitan ito ni Jimmie Crespo.
Sa tours na isinagawa nila para suportahan ang album na ito, kapansin pansin ang pagtugtog ng banda sa mas maliliit na lugar dahil bumabagsak na ang kanilang popularidad.
Nagpatuloy pa ang pagkakalulong ni Tyler sa Drugs kaya sobrang apektado nun ang performance maging ang pagsusulat nito ng mga awitin.. nagdulot din ito ng hindi pagkatuloy ng ilang shows at may pagkakataon pa na naputol ang isa nilang konsyerto dahil basta na lang ito nagcollapse sa stage.
Sa panahon na yun, may mga nainip nang fans at hinahanapan na sila ng sunod na album kaya napilitan ang banda na magrelease ng compilation album na Aerosmith's Greatest Hits na nung una ay hindi pumatok pero kalaunan ay biglang lumobo ang benta nito at naging pinaka best selling album pa ito ng Aerosmith na nakabenta lang naman ng 11 milyong kopya.
Noong 1982, nairelease ang pangpitong album na Rock in A Hard Place, habang ginagawa ito, umalis ng banda si Whitford at pinalitan ni Rick Dufay. Pumasok ang album sa top 32 at sa panahong ito, muling nakikita na lageng kasama muli ng banda si Joe Perry pero nanatili ang problema sa droga ni Steven Tyler. Katunayan, nagcollapse na naman ito sa isa nilang Gig.
Noong 1984, opisyal nang bumalik sa aerosmith sina Joe Perry at Brad Whitford. Nagpalit na rin ng record label ang banda, nagtungo sila sa Geffen Records.
Noong 1985, inerelease ang pangwalong album na Done with Mirrors sa ilalim ng bagong label. Pero bigo itong pumasok sa charts at wala ring pumatok na single. Pero sa halip na panghinaan ng loob, nagsagawa ang banda ng napakaraming Tours hanggang makasama si Tyler at Perry sa music video ng isang Hip hop group na Run DMC na nagpakilala sa Aerosmith sa bagong henerasyon ng music lovers.
Noong 1986, mas tumindi ang problema sa addiction ni Tyler na kinailangan na nitong magparehab. At dahil problema din naman ito ng iba pang myembro, kinausap silang lahat ng manager ng banda na si Tim Collins. Nagbigay ito ng challenge na kapag nilinis ng banda ang kanilang mga sarili, gagawin nya umano ang lahat para maging pinakagreatest band sa buong mundo ang Aerosmith..
Pagkatapos nun, sumang ayon naman ang lahat at pumasok sa rehab ang buong myembro ng banda. Ito ang pinakamalaking hakbang ng Aerosmith patungo sa mas maningning na karera. Pinilit nilang alisin ang droga sa kanilang buhay at ibinuhos nilang lahat para maging successful ang sunod na album.
Dahil sa ginawa nilang ito, nabuo ang pangsyam na album na Permanent Vacation at inerelease noong 1987. Ito ang pinakaunang album ng banda ng walang drugs na sangkot sa kanilang pamumuhay. Tatlong single ng album na ito ang pumasok sa top 20. Ang Dude Looks Like A Lady----
Rag Doll----
At Angel-----
Walang duda na sa ginawang pagbabago ng banda, nakabalik muli sila sa kasikatan.
Makikita kung gaano kaseryoso ang buong banda sa pag-iwas sa bisyo noong makasama nila sa Tours ang Guns N Roses na iniwasan nila tuwing may party ang mga ito before and after shows dahil kilala ang bandang ito sa tindi ng pag abuso sa bisyong pilit nang iniiwasan ng Aerosmith.
Pagkatapos ng Tours na yun, nagrelease muli sila ng panibagong album na Pump noong 1989. Pumalo ito sa number 5 ng billboard at nakatanggap sila ng pinakauna nilang Grammy at dalawang music video awards.
Noong 1990, nainducted ang banda sa Hollywood Rock Walk at nakita din sila sa isang episode ng The Simpsons.
Noong matapos ang matinding tour ng banda, panahon na yun ng pagpasok ng Grunge Music sa mainstream.. lalo na nung 1992 na nairelease ang nevermind ng Nirvana.
Ganun pa man, noong 1993, inerelease pa rin ang pang labing isang album ng Aerosmith na Get a Grip na naging pinakaunang number 1 album pa ng banda sa billboard. Andito sa album na ito ang Crazy, Amazing at Cryin na naging suki sa mga radyo at sa MTV.
Bago sila magsimula sa panibagong album, nagpahinga sila saglit para maglaan ng oras sa mga pamilya at ayusin ang mga personal na problema. Dito, tinaggal nila ang manager na si Tim Collins dahil may nagawa umano itong muntik nang makapagpabreak up sa banda. Nagpalit din sila ng producer.
Noong 1997, nairelease ang pang labingdalawang album na Nine Lives na pumalo muli sa number 1 pero sa tour para suportahan ang album na ito, nagkaroon ang banda ng malaking problema dahil nainjured si Steven Tyler sa isa nilang konsyerto tapos nagtamo naman ng 2nd degree burn ang Drummer na si Joey Kramer dahil sa isang aksidente.
Kahit nagkaganun, noong 1998, pumasok naman sa number 1 ang kantang I dont wanna miss a thing na ginamit sa pelikulang Armageddon na anak ni Steven Tyler ang isang gumanap na artista dito. Ito ang una at nag iisang number 1 single ng Aerosmith sa Billboard at kantang nagpakilala sa Aerosmith sa bagong henerasyon.
Nasundan agad ito noong 2001, nung irelease ang pang labing tatlong album ng banda na Just Push play na nag number 2 sa charts. Kabilang dito ang kantang jaded----
Sa taon ding ito, nainducted sa Rock and Roll Hall of Fame ang Aerosmith at naging pinakaunang banda na nainducted na mayroon pa ring kanta na naka-rank sa music Charts.
Noong 2004, nairelease ang pinakahihintay na blues album na Honkin’ with Bobo na umabot din sa top 5 ng billboard. Sa album na ito, bumalik ang Aerosmith sa nauna nilang style ng musika.
Sa mga sumunod na taon, naging ups and downs ito sa banda lalo na sa bokalistang si Steven Tyler na noong 2006 ay nagkaroon ng Throat Surgery.
2008, inerelease naman ang Video game na Guitar Hero: Aerosmith na naglalaman ng iba nilang awitin.
Noong 2009, Nakaranas ang ibang myembro ng mga injuries, tulad ng leg injury ni Steven Tyler, head injury ni Brad Whitford at hindi nasabing injury ng gitaristang si Tom Hamilton.
Ang malala sa lahat, noong taon din na yun, nahulog sa stage si Tyler sa konsyerto nila sa South Dakota na naging dahilan ng pagkakaroon muli nito ng injury na sa pagkakataong ito ay sa ulo, leeg at balikat. Naging sanhi ito ng pagkansela sa lahat ng kanilang konsyerto...
Bago matapos ang 2009, nagsagawa ng Solo Project si Steven Tyler, na nagtour sa South America samantalang si Joe Perry naman ay nagtour sa Japan at UK noong early 2010.
Ayun kay Joe Perry, hindi umano nakikipagcoordinate sa banda si Steven Tyler kaya maaari umanong umalis na ito sa banda.
Nag anunsyo ito noong 2010 na magkakaroon sila ng auditions para sa replacement ni Steven Tyler pero makalipas ang ilang araw, nakita naman si Steven na kasama sa solo project ni Joe Perry at sinigurado sa mga fans na wala syang planong umalis sa Aerosmith.
Bago matapos ang taon, ipinasok sa rehab si Steven Tyler dahil nagkaroon ito ng addiction sa pain killers na iniinom nito para sa kanyang injuries.
Nung makabalik ang banda sa pagtotour, nagkaroon naman ng kaunting alitan sa pagitan ni Tyler at Perry. Away kapatid ika nga.. konting pikunan sa stage pero naayos naman nila ito agad.
Pero nag-umpisa na naman ang alitan sa pagitan ng dalawa dahil sa desisyon ni Steven Tyler na pagtanggap nito ng pagiging judge sa television show na American Idol. Ayun kay Perry, hindi umano sumangguni si Tyler sa banda at nalaman lang nila nung makita sa internet. Pero nangako naman si Tyler na patuloy pa rin naman nyang gagampanan ang pagiging frontman ng banda sa Tours at recording.
Nung tanungin sa isang interview si Perry, sinabi nito na nauunawaan nya ang desisyon ni Tyler pero ayaw umano nyang maghintay lang lage kaya nagpush din ito ng sarili nyang solo projects.
Noong 2012, nakapagrelease sila ng kahuli hulihan nilang studio album so far. Ang Music from Another Dimension na pumalo din sa panglima ng billboard 200.
Mula nun, nagfocus na ang banda sa pagtotour, kasama ang Pilipinas sa napuntahan nila noong 2013. Then noong 2014, nagkaroon sila ng Tour kasama si Slash ng Guns N Roses
Sa kabuuan mga idol, ang aerosmith ay mayroong 15 studio albums, 7 live albums, 16 compilation albums at dalawang Extended Plays.
Aktibo pa rin sila ngayon mga idol, may mga tour sila ngaung 2022 at may sabi sabi na magkakaroon pa ng pang labing anim na album. Anuman ang pinagdaanan ng banda, nakita natin ang tunay na ibig sabihin ng matinding dedekasyon at ng tunay na pagmamahal sa ginagawa.. Ang pinagdaanan ng bandang Aerosmith at kung gaano karaming artist ang naimpluwensyan nila ay sapat nang batayan kung bakit marami ang nagsasabi na aerosmith ang Greatest American Rock Band of All Time,
Natutunan natin na hindi talaga mawawala yung ups and downs sa ating mga buhay.. ang mahalaga, gumagawa lage tayo ng paraang tumayo sa bawat pagkakarapa.
Comments
Post a Comment