Ang buhay ni Arnel Pineda ng Journey

Image
Isa sya sa nabubuhay na ebidensya na tunay ang kasabihang ang buhay ay parang gulong lang, na maaaring nasa ilalim ka ngayon, nasa laylayan, naghihikahos sa buhay. Pero di mo pwedeng sabihin na anjan ka lang lage, kung magsisikap ka lang, gagamitin ng tama at pagyayamanin ang talento o kakayahang ibinigay ng Dyos sayo, gagawin ang lahat para sa pangarap mo. Siguradong maaabot mo rin ang ninanais mo balang araw. Tulad ng kabayan nating si Arnel Pineda na nagmula sa simpleng pamilya, pinaglaruan ng tadhana at naluklok sa kahirapan… naranasang mamuhay mag isa sa murang edad, natutong kumayod para may mailagay man lang sa sikmurang kumakalam.. Sino ang mag aakala, na ang bata na noon ay halos walang wala ay isa na sa pinakamayaman at pinakasuccessful na singer hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo... halika at ating balikan ang mala-fairytail na kwento ng buhay ni Arnel pineda..  Panoorin sa Youtube ang buong kuwento:  Ang buhay ni Arnel Pineda Panganay sa apat na magkakap...

Ilang Katotohanan sa Slipknot na Maaaring hindi mo pa Alam

Ang Slipknot ay patuloy na umaani ng kasikatan mula 1995 hanggang sa kasalukuyan, siguro, isa ka sa mga fans ng bandang ito. Pero napakaraming pangyayari at katotohanan tungkol sa Slipknot ang maaaring hindi mo pa alam.

Panoorin sa youtube: Mga bagay na Maaaring Hindi mo Alam sa Slipknot

Tulad ng kuwento tungkol sa maskara at numero ng bawat myembro ng mga ito.

Mga trahedyang pinagdaanan at mga bagay na tungkol sa banda na mahirap paniwalaan.

Halika at talakatin natin ang ilan sa mga ito pagkatapos ng intro. Maraming Salamat mga Idol.

Maskara at Kasuotan.

Nag umpisa ang pagsusuot nila ng maskara noong 1997, mula dumating sa rehearsal si Shawn Crahan ng nakasuot ang kanyang clown na maskara. Ito rin ang nagdala ng idea na magsuot ng Jumpsuits na Mula nun, ay ito na ang naging trademark ng Slipknot.

Ayun sa mga ito, sa tulong ng maskara ay nailalabas umano nila ang totoong sarili nila mula kaloob-looban ng kanilang pagkatao. Nagagawa umano nilang ilabas lahat ng saloobin at mas paabutin pa sa mas mataas na level ang kanilang performance ng hindi nila kailangang magpigil. 

Samantala, ang mga numero naman ng bawat isang myembro ay wala umanong mahalang ibig sabihin.

Kinarma si Shaun Crahan

Kilala si Shawn sa buwis buhay na stunts nito sa kanilang mga konsyerto. Kasama na dito ang pagtalon at 

pagbagsak nito una ang ulo sa isang garbage can. tapos tatayo ito at sisipain ang binti ng madadaanang 

mga fans habang nakasaklob pa rin ang basurahan sa kanya bilang proteksyon sa posibleng pagbawi ng 

nasasaktan nya.

Pero sa konsyerto nila sa Ozzfest, ang natalunan ni Shawn ay drum na puno ng tubig kaya na-stock ito 

dito ng una ang ulo sa loob ng halos 35 na segundo na muntik nang ikamatay nito.. Mula nun ay medyo nagbawas ito ng ganitong uri ng stunts.

Pinakamadilim na album.

Ang Iowa ang itinuturing na isa sa mga album ng Slipknot na may pinakabrutal na lyrics ang mga kanta. Hindi na ito nakapagtataka dahil habang ginagawa ito ay nasa ilalim ang banda ng matitinding pagsubok. Unang una dito ang epekto ng sobrang pagsikat ng banda dahil sa debut album na slipknot na mas naglagay sa banda sa mas matinding addiction, babae at depresyon. 

Nasundan pa ito ng pagkakaroon ng bali sa likod ng kanilang producer na si Ross Robinson kaya napilitan itong magsweelchair habang binubuo ang album.

Tapos ang bokalistang si Corey Taylor ay nagkaroon ng matinding addiction sa alak na may pagkakataong sinusugatan nito ang sarili para lang makaramdam ito ng kahit ano.

Samantalang nagkaroon naman ng breakdown sina Jim Root at Dj Sid Wilson na dito nga galing ang nakakatakot na tunog sa intro ng kanta nilang 515.


Walang labahan ang maskara.

Ang pilosophy ng slipknot ay pagiging matatag, mapagtiis at laging handa sa bawat sitwasyon. Alam nyo ba na nung nagsisimula pa lang ang Slipknot e hindi nila nilalabahan ang kanilang mga maskara na madalas ay basa ng sari saring liquid galing sa katawan tulad ng pawis, laway, minsan ay nasusuka pa sila dito at nababahiran ng sariling dugo dahil sa stunt na ginagawa ng mga ito sa kanilang mga live performance.

Pero naging parang seremonya na ito ng banda bilang simbolo ng kanilang katatagan, ganunpaman, sa paglipas ng panahon, lalo na nung sumikat na sila at nagkapera, ay nagkaroon na sila ng kakayahang magpapalit palit ng maskara kada isang album at magkaroon ng kakayahang magbayad ng taga gawa at taga linis ng kanilang mga maskara.

Bulok na uwak.

Noong mga unang bahagi ng kasikatan ng slipknot ay naglagay si Shawn Crahan ng patay na uwak sa isang garapon, kung saan ay hinayaan nya itong mabulok dito. Dala nya lagi ito sa kanilang mga concerts, kaya natatakot din ang ibang kabanda na baka mabasag ito at magkaroon sila ng sakit sa amoy nito…

Hindi pa dito natapos, dahil habang nasa concert ay binuksan ito ni Shawn Crahan para kumuha ng kaunti at ibato sa mga fans para umano malaman nila kung ano ang amoy ng isang patay.

Pero sa isang concert, hindi inaasahan ng banda na mas matindi pa ang gagawin ng ilang fans nila, nung hiramin ng mga fans ang garapon at sa halip na amoy lang ang gawin, ayun kay Sid Wilson, e kinain umano ito ng ilang fans.

Kakaibang regalo.

Sa mga panahong yun, madalas nang makatanggap ng mga kakaibang regalo si Shawn Crahan sa mga fans, tulad ng mga patay na uwak at iba pang hayup. Pero isang babae mula sa East Coast ang kakaiba sa lahat, dahil para mapansin ni Shawn e lumapit ito dito, sinampal sya nito, at nung makuha na ang kanyang pansin ay naglagay ito ng puso ng isang hayup sa lamesa para palagyan ng autograph.

Pinakamahirap na Concert ng Slipknot.

Hindi maitatanggi na sobrang laki ng solid na fanbase ng slipknot, na handang masaktan o madumihan sa concerts ng mga ito. Pero hindi lahat ng concerts nila ay puno ng mga fans na ganito. Sa isa nilang concert noong 2005, sinisi sila ng mga concert goers sa pagtaas ng ticket na ginatungan pa ng isang local radio station na derektang sinisi ang Kasikatan ng slipknot sa malaking pagtaas presyo ng ticket sa Fury Fest sa Lamont France. Pero ang totoo ay hindi ito kasalanan ng banda , kundi ng mismong management ng venue na itinaas ang presyo ng upa sa lugar kaya no choice ang promoter kundi itaas din ang presyo ng ticket.

Gaano kalaki ang dedication ni Corey Taylor sa kanilang musika?

Maraming bokalista ang sobrang fashionate at sobrang dedicated sa kanilang banda lalo na sa kanilang mga awitin. Pero nasa ibang level ang bokalista ng Slipknot na si Corey Taylor, dahil may isang pagkakataon na sinugatan nito ang sarili para mas maging makatutuhanan ang kanyang performance sa recording ng isang kanta sa album na Iowa.

Comments