Ang buhay ni Arnel Pineda ng Journey
Nung araw, para makapagbuo ka ng isang Boyband, kailangan mong maghanap ng mga lalakeng magaling kumanta, magaling sumayaw, at syempre dapat pogi... pwede na ding katamtaman kung wala na talagang pagpilian.. ---
seryoso ako, dahil lahat ng naging successful na boybands ay gumamit ng ganitong method tulad ng Menudo, New Kids on the Block, Backstreet Boys, Nsync, at napakarami pang iba lalo na noong 90s na naglabasan ang ganitong Boybands… kahit nga ngayon diba, nakabalik ang Boybands dahil sa Kpop na kahit ayaw ng marami sa kanila e kung tititigan nyong mabuti, sumusunod pa rin sa ganitong method sa pagpili ng myembro.. Magaling kumanta, sumayaw, at…. Pogi naman. Nasobrahan lang sa make up.. biro lang..
Sa lahat ng sumikat na Boyband, ang One Direction ang itinuturing na hindi dumaan sa ganitong paraan.. Nabuo sila sa isang reality Show na X factor matapos silang mabigo individually, wala silang flashy dance moves, at sarili nilang sulat ang marami sa mga awitin nila.
Marami ang inihahambing ang kasikatan at achievements nila sa Beatles, may sumasang ayon dito, marami din naman ang nagtataas ng kilay lalo na ang mga olds.. So halika at ating alamin kung nararapat nga ba silang ihambing sa beatles… gaano nga ba kasikat ang One Direction na nagbigay ng mga awiting What Makes you beautiful---
Drag Me Down----
Story of my Life---
Best Song Ever---
At marami pang iba, bakit nga ba nagbreak ang grupong ito?Ano ang nangyari sa bawat myembro mula magbreak ang grupo? Sige, simulan na natin ang Alamat ng One Direction.
Taong 2010, sa British televised singing competition na X factor, nag audition dito bilang mga solo artist sina Zayn Malik, Niall Horan, Harry Styles, Liam Payne at Louis Tomlinson. Nabigo silang lima na makaadvance sa kompetisyon pero hindi naman maitatanggi ang talento at karisma ng mga ito kaya ipinayo ng noon ay guest judge na si Nicole Scherzinger at Simon Cowell na bumuo ang lima ng isang grupo at bumalik muli sa kompetisyon. Tinulungan naman ni Simon na mabuo ang lima at nag ensayo ang mga ito bilang grupo sa loob ng dalawang linggo, ginamit na rin nila ang panahong itong para makilala ang isat isa.. Tapos bago ang kanilang pagsalang muli sa kompetisyon, sinimulan na nilang tawagin ang grupo na One Direction ayun na rin sa suhestyon ni Styles.
Accoustic Version ng kantang Torn ang inawit ng grupo----
na nakatanggap naman ng mga positibong komento sa mga hurado. Dito pa lang ay nakakuha na ng fan base ang grupo, nagtapos lang sila sa 3rd place pero agad na pinapirma ni Simon ang lima sa kanyang record label na Syco Records sa halagang 2 million pounds. Sa mga hindi nakakaalam mga idol, si Simon din ang humawak sa isa pang hinangaan nating boyband na Westlife at sa tagal na nitong nagtatrabaho sa music industry sa UK at US, alam na nito ang kiliti ng mga fans lalo na ng mga teenager… Kaya sa nakita nyang potensyal sa One Direction, hindi na nakapagtataka na sumugal siya ng malaking halaga sa mga ito.
Nagsimula silang buuin ang debut album noong January 2011 sa Los Angeles, tapos sumama din sila sa X Factor Live Tour na ginanap noong February 2011 at natapos nang April 2011 na kasama na rin sa marketing strategy ng management ng grupo.. Nung matapos ang Tour, bumalik na ulet ang grupo sa pagbuo ng album.
Una nilang inerelease ang single na What Makes You Beautiful noong September 2011----
Na agad na pinasabog ang mga music charts sa UK, ito rin ang naging most pre-ordered na single sa history ng Sony Music Entertainment.
Pumasok din sa top 10 ng UK charts ang single na Gotta Be You---
At One thing---
Dahil sa tagumpay ng mga singles na ito, agad silang pinapirma ng kontrata sa Columbia Records at dito, nairelease nila sa UK at Ireland ang debut album na Up All Night noong November 2011, sa parehas na bwan ng pagpirma nila sa Columbia. Ito ang naging pinaka fastselling debut album sa UK noong 2011 dahil na rin sa appeal ng grupo sa mga kabataan na karamihan ay kababaihan.
Sinundan agad nila ito ng Tours nung December 2011 at pagpatak ng 2012, pinasok na ng grupo ang America sa pamamagitan ng pagrerrlease dito ng What Makes You Beautiful na pumalo sa number 28 ng billboard 100 at kalaunan ay nakaakyat pa ito hanggang no 4. Isinunod na rin nila dito ang pagrerelease ng debut album na Up All Night sa US noong March 2012 na naging pinakaunang no. 1 sa Billboard 200 ng isang grupo na galing sa UK, nainducted din itong achievement na ito sa Guiness world records.
Naging number 1 din ang album na ito sa ibat ibang bansa at bumenta agad ito ng 4.5 million copies. Sinundan muli ito ng grupo ng The Up All Night Tour na may animnaput dalawang shows at dito ay nakilala ang One Direction hindi lang sa ganda ng mga kanta kundi maging sa stage presence ng mga ito, galing sa live performance at lahe soldout ang tickets ng bawat konsyerto sa loob lang lage ng ilang minuto.. Dito pa lang sa stage ng karera nila na ito, superstar status na agad ang grupo.. Tagumpay ang marketing strategy na ang target ay pawang mga teenagers na mga kababaihan at malaking tulong ang social media para maboost lalo ang kanilang kasikatan.
Lahat ng ibenta ng one direction nun mga idol ay bumebreak ng records, Live album, merchs, documentaries na libro.. lahat dinudumog ng fans.. Syempre kasama nito ang pagtanggap ng malalaking awards tulad ng MTV music awards noong 2012 na tatlong awards agad ang nakuha ng grupo.
Sa biglaang nakakahilong pagsikat ng One Direction, syempre hindi nawawala yung problema.. isang US band ang nagsampa ng kaso dahil sa nauna umano silang gumamit ng pangalang One Direction. Humingi ang mga ito ng tatlong beses na halaga ng kinita ng grupo dagdag pa ang damage na 1 million dollars. Pero syempre, hindi pumayag si Simon at ang Syco Records dito at nagcounter sila sa demanda.. Nanalo sa kaso ang One Direction at napilitang magpalit ng pangalan ang US band na ayun sa Syco Records ay sumakay lang umano sa kasikatan ng grupo.
Noong November 2012, inerelease ang pangalwang studio album na Take me Home na hindi nagpapakita ng paghima, bagkus ay lalong sumikat ang grupo. Isa itong international hit kung saan e nagnumber 1 nga ito sa mahigit na tatluput limang mga bansa at gumawa ang mga ito ng record na pinakaunang boyband sa history na nagkaroon ng dalawang album na nag number 1 sa billboard 200 sa loob ng parehas na taon. (Little things)
Sobrang dami ng projects nila nun pero mayroon pa rin silang partisipasyon sa UK charity tulad ng pagpunta ng mga ito sa Ghana para magvolunteer sa isang children's Hospital, pagbisita sa mga paaralan at pagbibigay ng donasyon.
Sa mga panahong ito, nararanasan na ng One Direction ang malabeatlemania na kasikatan… Hits ng hits ang bawat irelease na singles ng mga ito at talagang halos kabaliwan sila ng mga kababaihan nilang mga fans kahit saang bansa sila magpunta----
Bumenta ng 114 million dollars ang mga tickets sa isinagawa nilang tours para suportahan ang album nila.
August 30, 2013, nagrelease sila ng documentary at concert movie na One Direction:This is Us na naging Box Office hit sa UK at US na kumita ng 60 million dollars.
Noong November 25, 2013, inerelease nila ang pangatlong studio album na Midnight Memories na muling pumalo sa number 1 ng billboard 200 at sila lang ang grupo na nakakuha ng achievement na ganito after ng The Monkees noong 1967 pa.. kahit patapos na ang 2013 nung irelease ito, naging best selling album pa rin ito ng taon na yun na nakabenta agad ng 4 million copies.
Para ipromote pa ang album, nagperform ang one direction sa British at American versions ng X-Factor at bago matapos ang 2013, nabreak ng mga ito ang record ni Michael Jackson sa UK sa kanyang DVD at BluRay release ng This Is It na bumenta ng 10,000 copies.. ang This is Us ng One Directiin ay bumenta ng 270,000 copies… hindi lang nabreak mga idol, talagang nilampaso pa ano.. Nagpapakita lang yan kung gaano kasikat ang grupo. Katunayan, mas lumaki pa ang kinita nila sa Tours para sa album na ito na pumalo sa 290 million dollars. Pinakamataas na kita ng cocert yan sa taong 2014 at pang labinglima sa history.
Noong November 17, 2014 nagrelease na sila ng pang apat na studio album na Four, kung saan e sila lang naman mga idol ang grupo sa loob ng 58years na history ng Billboard 200 ang naging number 1 sa debut release ng apat na album ng mga ito. Sinundan nila ito ng Tours na kumita muli ng mahigit sa 208 million dollars..
Sa kasagsagan ng kasikatan, nadurog ang puso ng mga fans sa pag-alis ni Malik sa grupo noong March 2015. Ayun dito, hindi nya umano maenjoy ang karera nya sa grupo dahil hindi nya magawa ang gusto nyang gawin. Hindi ito masaya na makisakay lang sa agos ng kasikatan at sundin lang kung ano ang gusto ng management. Gusto nitong magkaroon ng freedom na magawa ang musikang gusto nya.
Nagpatuloy naman ang natitirang apat ng hindi na humanap ng kapalit nito. Nagsagawa ang mga ito ng pinakaunang Tour na aapat na sila na natapos noong October 2015 at kumita pa rin ng 208 million dollars, pagpapatunay na hindi gaanong naapektuhan ang kasikatan ng One Direction..
Noong August 23, 2015, nag anunsyo ang grupo na magkakaroon sila ng pahinga bilang grupo sa March 2016 na muling yumanig sa mga fans. Isa lang ang dahilan mga idol, gusto nilang subukan na maging solo artists…
Noong November 13, 2015 inerelease ang panglimang Studio album na Made in the A.M namuling nagnumber 1 sa napakaraming bansa pero naging number 2 na lang ito sa US.
Sa panahong ito mga idol ang One Direction ay nakakuha na ng napakaraming awards kasama ang malalaking awards tulad ng kabuuang pitong Brit Awards, Pitong American Music Awards, Anim na Billboard music awards, limang billboard touring awards, apat na music awards at marmai pang iba.. Nakuha nila ang record na Most Awarded Act sa Teen Choice Awards na naipanalo nila ang dalawamput walo sa tatpumpot isang nominasyon.
Noong December 2015, nagsama sama sa huling pagkakataon ang One Direction sa Xfactor, ang huling performance ay ginanap sa show kung saan din sila nagsimula..
Mula noon, di na muling nagkaroon ng reunion ang grupo dahil naging successful ang mga ito sa kanikanilang solo career..
Kung gusto mong malaman kung ano na ang nangyari sa kanila, e ito..
Si Niall Horan ay 28 years old na ngayon, mula maghiwalay ang grupo una itong naging busy sa Golf, kasama si Horan sa mga founder ng Modest Golf na isang Golf management company. Tapos nung september 2016, pumirma ito sa Capitol Records at nagrelease ng dalawang solo album, ang Flicker na inerelease noong October 2017 ay nagnumber 1 sa billboard 200 at iba pang music charts sa ibat ibang bansa. At ang Heartbreak Weather na inerelease naman noong March 2020 na number 1 sa UK at number 4 sa Billboard 200.
Si Liam Payne ay 28 yrs old din ngaun, naging producer ito para sa ibang artists at naging director din ng isang publishing company na Hampton Music Limited. Pumirma ito sa Republic Records at nagrelease ng Album na LP1 na inirelease noong December 2019 pero hindi ito gaanong naging successful, ganun pa man, Si Liam ang naging pinakaunang global brand ambassador ng mamahaling brand na Hugo Boss.
Si Harry Style, 28 years old ngayon, pumirma ito noong 2016 sa columbia records at naging successful sa solo career nito. Nagnumber 1 sa Billboard 200 ang unang dalawang album nito na Self Titled album Harry Styles na inerelease noong 2017 at ang Fine Line na inerelease naman noong 2019. Nakatanggap ito ng napakaraming awards bilang solo artist. Naging model din ito ng Gucci at pumasok din sa pagiging artista. Ang pangtatlo nyang album na Harry's House ay irerrlease ngayong May 2022.
Si louis Tomlinson, ay 30 years old na ngayon, nung magbreak ang grupo nakasama pa rin ito ni Simon Cowell sa xfactor at napabalitang bumubuo ang dalawa ng girlgroup.. pumirma ito sa epic records then sa Arista records at dito sya nagrelease ng solo debut album na Walls noong January 2020 at pumalo ito sa number 4 sa UK at number 9 sa billboard 200.
Hawak ngayon ni Louis ang Guinness world record para sa Most tickets sold for a livestreamed concert by a solo male artist na ang kinita sa concert ay napunta sa ibat ibang charities at tulong sa kanyang Tour Crew na nahirapan dahil sa pandemya.
Noong may 2021, pumirma naman ito ng global deal sa BMG para sa pangalwa nyang album na wala pang balita sa ngayon kung kailan ang release.
Si Zayn Malik, 29 yrs old ay ang naging successful din bilang solo artist, makikita sa top ng mga music charts ang mga singles nito at nagbreak ng ibat ibang records. Pumirma ito sa RCA Records noong July 2015 at ang album nito na Mind of mine ay inerelease noong March 2016 at nagnumber 1 sa napakaraming bansa kasama na jan ang UK at US. Pinalitan din nito si Justin Beiber sa number 1 ng Billboard 100 artist chart at naungusan nito ang inalisang grupo na One Direction na naging number 2 lang sa naturang chart.
Ganun pa man, hindi naman naging successful gaano ang pangalwang album nito na Icarus Falls na pumalo lang sa number 61 ng billboard 200. At ang kanyang pangatlong album na Nobody is Listening ay pumalo lang sa number 44.
Itinuturong dahilan ng pagbaba ng kasikatan nito ay ang epekto ng pagkakaroon nito ng Anxiety na maaaring naging dahilan ng pagbaba ng self confidence nito.
Sa lahat ng nalaman natin ngayon tungkol sa boyband na ito, masasabi ko na talagang sobrang tindi talaga ng naging kasikatan ng One Direction, sa sobrang liit ng naging karera nila na magkakasama, itinuturing na agad sila na isa sa mga greatest boybands of all time.. Kahit beatles, hindi sila naging superstars agad agad sa unang kanta nila di gaya ng nakuha ng One Direction. Pero kung ako ang tatanungin mga idol, di natin sila pwedeng ihambing sa bandang mula pa sa 60s kung saan ay limited pa lang ang makinarya.. niyanig ng musika ng Beatles ang buong mundo ng walang kahit anong tulong ng social media… Pero syempre, props pa rin sa One Direction, after ng Backstreet Boys at Nsync, ang dami ng mga boybands ang sumubok na makarating sa level ng mga ito pero lahat ay nagkaroon lang ng katamtamang success… One Direction lang ulet ang nagdala ng bandera ng mga Boybands sa ganitong level ng kasikatan.. Well, alam ko may kokontra sa inyo mga idol lalo na kung batang 90s ka.. Karamihan sa edad natin, hindi na alam o maappreciate ang mga kanta ng One Direction.. Pero hindi natin maitatanggi ang achievements nila mga idol.. aminin na lang natin na matatanda na talaga tayo hahaha..
Nagustuhan mo ba ang video natin ngayon? Kung oo, wag mong kakalimutang magsubscribe at iclcik ang notification bell para lage kang updated sa mga bagong kuwento na tatalakay sa mga paborito mong banda.. pakilike na rin nitong video bilang suporta sa ating channel. Maraming salamat sa inyong panonood.
Comments
Post a Comment