Ang buhay ni Arnel Pineda ng Journey

Image
Isa sya sa nabubuhay na ebidensya na tunay ang kasabihang ang buhay ay parang gulong lang, na maaaring nasa ilalim ka ngayon, nasa laylayan, naghihikahos sa buhay. Pero di mo pwedeng sabihin na anjan ka lang lage, kung magsisikap ka lang, gagamitin ng tama at pagyayamanin ang talento o kakayahang ibinigay ng Dyos sayo, gagawin ang lahat para sa pangarap mo. Siguradong maaabot mo rin ang ninanais mo balang araw. Tulad ng kabayan nating si Arnel Pineda na nagmula sa simpleng pamilya, pinaglaruan ng tadhana at naluklok sa kahirapan… naranasang mamuhay mag isa sa murang edad, natutong kumayod para may mailagay man lang sa sikmurang kumakalam.. Sino ang mag aakala, na ang bata na noon ay halos walang wala ay isa na sa pinakamayaman at pinakasuccessful na singer hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo... halika at ating balikan ang mala-fairytail na kwento ng buhay ni Arnel pineda..  Panoorin sa Youtube ang buong kuwento:  Ang buhay ni Arnel Pineda Panganay sa apat na magkakap...

History

Nagsimula ang AKLAT PH sa pagiging video and picture editing tutorial Youtube Channel. Then, nakapagpaviral ako ng isang post sa Facebook Page pero nagfailed to monetize dahil wala akong alam sa Rules and Regulations ni Facebook, inaral ko sya and decided na ituro sa iba ang natutunan ko.. Kaya yung dating editing channel ay nadagdagan ng Facebook and Youtube tips and tutorials.

Naging Hobby ko ang mangaral at unalalay sa mga katulad ko na baguhan sa mga nabanggit na flatform, pero dahil lage akong nasa youtube, mas naunawaan ko ang mga bagay na kailangan para maging successful sa youtube kaya lately ay mas nagfocus ako sa youtube tips..

Bakit napunta sa Music si AKLAT PH?

Una ay dahil sa bashers, dahil madalas nilang sinasabi na turo ako ng turo pero kahit ako ay hirap ding makakuha ng views.. 

Pangalawa, habang nasa stage ako ng ganun, isang malaking youtube channel ang nakakita sa channel ko dahil nakita nya ako na ipinamimigay ang sinusweldo ko sa youtube sa giveaways. Napansin nya na panget ang microphone ko so he decided to invite me in their facebook group, sinabi nya saken na upgrade muna ako ng gamit ko bago ako mamigay sa iba. Dun, may 6 lang silang members, most of them are younger than me but they already have cars and small business dahil sa youtube. From there, nainspired ako sa kanila, nagsimula akong mangarap.. Nabigyan nila ako ng motivation na mangarap ng mas mataas sa pagiging video creator.. 

So I decided to create 3 more youtube tips videos.. Lahat ng alam ko, inilagay ko dun para sa mga maiiwan kong subscribers na naniniwala saken. Pagkatapos nun, nagpalit na ako ng niche.

I tried music, history, amazing stories, sports, inspirational videos, facts and even comedy video. 

Yup, pinasok ko ang story telling which is my weakness, dahil may problema ako sa pagsasalita ng malinaw. Lumabas ako sa safezone ko and decided na harapin ang kahinaan na yun. Pero syempre hindi naging madali, sobrang hirap makakuha ng views. Then dumating yung time na dumadating sa lahat... ang pagiging burnout. Bumaba ang moral ko and I decided to quit youtube na inabot ng almost 1 month. Then one day, napanood ko ang Dont Stop Believin: Everyman's Journey.. Story sya ni Arnel Pineda. grabe yung tama saken, sobrang nainspired at namotivate ako sa kuwento ni Arnel. Nagresearch ako ng nagresearch, as in naadik ako kay Arnel at Journey.. tapos I decided to comeback in making videos.. Pero bilang simula, ginawan ko muna ng video ang napanood kong iyun na kuwento nga ni Arnel Pineda at Journey bilang tribute o pasasalamat.. Hindi sya nagkaviews agad, pero okay lang, nagpatuloy muli ako sa ibat ibang topic, kung aling video ang magviral, dun ako magfofocus.

After 2 weeks, biglang nagboom ang video ni Arnel Pineda, so yung lahat ng nabasa ko about sa kanila ng Journey ay ginawan ko ng video.. Unang upload, pangalawa, pangatlo... lahat pumatok. so naging content ko ang Journey.. Sa 1 week na naadik ako sa kanila, sobrang dami kong magagawang video tungkol sa kanila... Lahat ng iupload ko, madami na ang nanonood, nakabuo na ako ng community na susuporta saken hanggang mapasok na ang channel ng mga request about other bands dahil nagsasawa na din sila sa Journey contents ko so here we are today, 200k Subscribers na tayo ngayon and counting...

Naging channel na tayo ng lahat ng banda, boybands/girlgroups, at solo artists...

Nagpapasalamat ako una sa ating Panginoon, sa aking pamilya at syempre sa lahat ng AKLAT PH family.. Sa lahat ng sumusuporta, sobrang maraming salamat mga idol.

Comments