Ang buhay ni Arnel Pineda ng Journey
Isa sya sa nabubuhay na ebidensya na tunay ang kasabihang ang buhay ay parang gulong lang, na maaaring nasa ilalim ka ngayon, nasa laylayan, naghihikahos sa buhay. Pero di mo pwedeng sabihin na anjan ka lang lage, kung magsisikap ka lang, gagamitin ng tama at pagyayamanin ang talento o kakayahang ibinigay ng Dyos sayo, gagawin ang lahat para sa pangarap mo. Siguradong maaabot mo rin ang ninanais mo balang araw. Tulad ng kabayan nating si Arnel Pineda na nagmula sa simpleng pamilya, pinaglaruan ng tadhana at naluklok sa kahirapan… naranasang mamuhay mag isa sa murang edad, natutong kumayod para may mailagay man lang sa sikmurang kumakalam.. Sino ang mag aakala, na ang bata na noon ay halos walang wala ay isa na sa pinakamayaman at pinakasuccessful na singer hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo... halika at ating balikan ang mala-fairytail na kwento ng buhay ni Arnel pineda..
Panoorin sa Youtube ang buong kuwento: Ang buhay ni Arnel Pineda
Panganay sa apat na magkakapatid, namumuhay sila ng simple. Kahit paano ay naiigapang ng kanyang ama at ina ang kanilang pag aaral at pangangailangan. Ayun sa kapatid ni arnel na si Erik, ang kanyang ina ang pinakamalaking impluwensya sa kung paano nahubog ang isang Arnel Pineda, ang mga unang kanta na natutunan ni Arnel na sa ina naririnig, ang pagiging straight forward nito, pagiging matatag, pagiging positibo ang pananaw sa buhay at kakayahang makisama sa ibang tao. Mga magagandang katangian na itinanim sa kanyang murang isipan ng ina na tila ba parang paghahanda sa kung anuman ang parating sa hinaharap.
Namatay ang kanyang ina dahil sa matagal ng iniindang sakit sa puso. At dito, nagsimulang bumagsak ang mundo ng pamilya. Naubos ang ipon at nabaon sa utang dahil sa pambayad sa Ospital at pagpapalibing sa kanilang ina. Napilitan na silang tumigil sa pag aaral na magkakapatid at dahil umabot na ng halos isang taong hindi nakakabayad sa tinitirahan nilang Apartment , e nagdesisyon na ang kanilang ama na umalis dun at ihabilin ang kanyang mga anak sa tiyahin ng mga ito.
Sa edad na labing tatlo, hinarap ni arnel ang hamon ng buhay. Nagdesisyon itong hindi sumama sa ama sa dahilan na ayaw ni Arnel na maging pabigat pa sya sa responsibilidad ng ama. Yun ang naisip nyang paraan para mas maasikaso ng ama ang kanyang mga batang kapatid. Sa murang edad, napilitang mamuhay ng mag isa si Arnel Pineda at nagpalaboy laboy sa kalsada.
Ayun kay erik, sobrang hirap nung time na yun dahil hiwahiwalay silang magkakapatid. Nakikita lang nila si Arnel kapag papasyal ito sa kanila, dadating umano ito sa bahay ng tiyahin, kupas at madungis ang suot na damit, itsurang gutom at pagod pero nagagawa pa nitong magbigay ng pera sa mga kapatid bago umalis…
Alam nila na hindi madali ang pinagdadaanan ng kuya nila pero wala silang idea kung paano ito nakakasurvive. Hindi nila alam na si Arnel ay nararanasang matulog sa gilid ng kalsada at sa kung saan saan pang lugar na pwedeng matulugan. Pumapasok lang sya mga idol sa kung anu ano na lang na trabaho para may makain. Kasama ang ibang bata na palaboy din at mga walang tahanan, nangongolekta sila ng bote at jaryo para kumita, kapag walang lakad, lilipat naman si arnel kasama ng isa nyang kaibigan, pupunta sila ng Pier, naglilinis sila sa mga barkong dumadaong dun at minsan ay nagpupunas ng mga retaso ng bakal kapalit ng munting halaga.
Bumibili lang si Arnel ng marie Biscuit at hahatiin nya ito para may makain pa sya kinabukasan. Kapag nauuhaw, pupunta sila sa gasolinahan na mayroong gripo sa labas, dun na rin sya naliligo minsan.
Swerteng swerte na kung may burol dahil mayroong libreng biscuit at kape.
Halos dalawang taon sya sa ganung buhay, hanggang sa edad na labinglima, 1982, nagkaroon sya ng chance na mag audition sa isang banda na tinatawag na Ijos. Dito, kahit papaano ay unti unti nang nababago ang takbo ng pinagdadaanan nyang hirap ng buhay. Nagustuhan sya ng banda at inalok ng isang silid sa ilalim ng hagdan ng tahanan ng kanilang gitarista. Isa sa myembro nila ay nagmagandang loob na bayaran si Arnel ng 35 pesos galing sa sariling bulsa sa bawat gabing may tugtog sila. Madalas silang tumutugtog nun sa Shakeys.
Kalaunan, dun na din nya pinatira sa tinutuluyan nya ang kapatid na si Erik na ayun dito e sobrang liit ng kwarto na parang bodega, madaming ipis, daga at lamok pero mas okay na umano yun, para sa kanila e malaking blessings na ang magkaroon ng matitirahan. Dun, ginawan ng paraan ni Arnel Pineda para makapagpatuloy ng pag aaral ang kapatid na si Erik.
1986, kasama ang ibang kabanda sa Ijos, bumuo muli sila ng panibagong banda na Amo. Sumali ang mga ito at nanalo noong 1988 sa Philippines leg of the Yamaha World Band Explosion. Pero sa Finals na ginanap sa Hongkong, nadisqualified sila dahil sa magulong rules ng pacontest, Dapat daw kase e original compositions ang kakantahin sa finals pero dapat din umano e kung ano yung ginamit nilang kanta nung nanalo sa Pilipinas e yun din ang kakantahin. E syempre dahil ang ipinanalong kanta ng Amo ay Bohemian Rhapsody ng Queen, e yun din ang kinanta nila dun sa Hongkong which is hindi nila original syempre.. kaya sila nadisqualified.
Muli silang sumali sa parehas na kompetisyon noong 1990, sa ilalim naman ng pangalang Intensity five kung saan ay naging first runner up lang ang banda pero nakuha naman ni Arnel Pineda ang best Vocalist award.
Hindi ko na iisa isahin mga idol ang history ng mga banda nya, i mean, actually mga idol e iisang banda lang naman talaga ang nasalihan ni Arnel Pineda, hindi lang talaga maiiwasan sa isang banda na may aalis at may dumarating na bagong myembro kaya ang epekto nun, e nagbabago bago lang umano ang pangalan ng kanilang banda. Nagsimula nga sila sa pangalang Ijos, naging Amo, naging Intensity five, then naging New Age kung saan ay nadiscover sila ng isang Talent Agent at niyaya sila na tumugtog sa isang sikat na restaurant sa Hongkong. Kung saan e tumutugtog sila dun ng anim na beses sa isang linggo..
1994, sa tagal na ding nagbabanda ni Arnel, sa tagal na ng paghihirap, pagsusumikap at pag abot ng pangarap na tila ba sobrang kay ilap, sinabayan pa ng breakup sa matagal na nyang karelasyon, dumaan si Arnel sa mas pinakamadilim na parte ng kanyang buhay.. nalulong sa masamang bisyo na naging sanhi ng muntik nang pagkasira lalo ng kanyang buhay… Nasira ang kanyang boses… Kaya napilitan syang umuwi ng Pilipinas para magpagaling.
Habang nasa bahay sya, nakahiga, walang boses, walang perang naipon, walang dereksyon ang buhay. Dun nya natanong ang sarili kung anu ba itong ginagawa nya. Pero syempre mga idol, e dumadaan talaga sa buhay natin yung bumabagsak ang moral natin sa tinding pagod at sunod sunod na kabiguan. After six months naman mga Idol e bumalik ang boses ni Arnel kaya muli itong nakabalik sa banda na nasa Hongkong pa rin nung time na un.. Kaya balik sya muli sa gnung buhay..
Nagpatuloy ang ups and downs ng karera ni Arnel Pineda, nagkaroon sya ng album under ng Warner Bros. Pero hindi nya nakukuha ng tamang atensyon ng publiko.
Nakilala nya si Cherry, ang babaeng napili nyang makasama habangbuhay. Ayos naman ang kanilang pagsasama, pero patuloy pa rin si Arnel sa kanyang bisyo. Nabago lang ang lahat nung matuklasan ng kanyang asawa na gumagamit sya ng ipinagbabawal na gamot. Tinangka nitong iwanan si Arnel kaya yun umano ang nagbukas ng pinto at nagmulat ng kanyang mata para sa kanyang pagbabago at pagsisimula muling harapin ang lahat, nang mayroong tamang pananaw sa buhay.
Nagbuo si Arnel ng bandang tinawag na 9mm, then pagkalipas ng ilang panahon nagregroup muli ang New Age at this time, may isang babaeng myembro na sila na naging katuwang ni Arnel sa pagiging bokalista.
Noong 2006, sa tulong ng isang Talent Manager at TV director na si Bert de Leon, nabuo ang bandang The Zoo kasama si Monet Cajipe, ang gitaristang kasama na nya mula simula na siya ay nagbanda. Naging active ang mga ito sa pagtugtog sa Maynila at olonggapo city kung saan ay nagkaroon sya ng sobrang solid na taga hanga at kalaunan ay naging kaibigan nya na si Noel Gomez. Ang taong magigiging tulay upang makamtan nya ang tagumpay.
Pagbalik ng banda sa Maynila, sinundan sila ni Noel dahil namimiss nito ang banda, naisipan ni Arnel na usapin ang staff ng Hard Rock Cafe kung saan sila tumutugtog nung time na yun, na videohin ang tugtugan nila upang maibigay kay Noel bilang remembrance ang video na un, dahil pabalik na ulet ito sa Olonggapo.
Pagkatapos ng Gig na yun, nagkaroon ng pagkakataong mag usap si Arnel at Noel sa isang Karenderya. Marahil ay naramdaman ni Noel na nagsstruggle talaga si Arnel sa karerang meron sya nung time na yun. Matagal nang gumagawa ng paraan si Noel pra mapalaki ang fan base ng banda ni Arnel pero this time, ang naisip ni Noel e pasukin ang Youtube hindi lang para madagdagan ang makakakilala sa manganganta, kundi dahil malaki ang paniniwala nito na mayroong makakadiscover sa talento ng kaibigan sa ibang parte ng mundo.
Ipinagpaalam nito kay arnel na iuupload nya ang mga videos sa Youtube. And the Rest is History…
After ng 25 years nang pakikipagsapalaran sa pagbabanda, 27 years ng pakikipaglaban sa mga hamon ng buhay.
Sa edad na 40, Nadiscover ito ng legendary band na Journey at naging bokalista nila mula 2007 at hanggang sa kasalukuyan.
Masasabi natin na sobrang layo na ng narating ng ating kababayan na si Arnel Pineda. Ang kanyang narating sa buhay sa Diyos ay lageng ipinagpapasalamat. Kasabay man ng kasikatan at tagumpay ay pagdami din ng mga taong ayaw sa kanya, wala na sya ngayong mahihiling pa, kundi ang manatili sa banda hanggat kaya nya, ibahagi sa iba kung ano ang makakaya nya, ipakita ang pasasalamat at pagpapasaya sa mga naniniwala sa kanya at masigurado ang kinabukasan ng kanyang Pamilya...

Comments
Post a Comment